Tuesday, February 11, 2014

Ano ba ang Stock Market?

Para sa marami ang Stock Market ay isa sa mga lugar kung saan nag pupunta ang mga mayayaman. Ang iba ay paniwala nila dito nag pupunta ang mga mayayaman para mag sugal. Natawa ako minsan sa isang barbero habang nag gugupit at bigla napanood sa TV ang balita ng paglago ng Philippine Stock Exchange, sabi ba naman "yang Stock Market na yan gobyerno may ari tsaka sila lang kumikita dyan". Natawa ako sa sinabi nya! At tinry ko sya i-correct "Manong ang Stock Market po ay pag mamay ari ng pribadong sector..."

Pero ano nga ba ang Stock Market? Ano ba mapapala at napala ng pangkaraniwang Pilipino?

Mas maganda i-define natin ang Stock Market sa bawat salita nito:
Bakit stock? Dito kasi binibili at binibenta ang "Stocks" kung saan ito ang porsyento ng pag mamayari ng isang corporation. Imbis ang malalaking kompanya ay uutang sa bangko na may malaking interest para mas lalo mapalago ang negosyo at maka gawa ng mas marami pang trabaho para sa Pilipino, ang isang matalinong paraan para lumikom ng puhunan ay sa pamamagitan ng pag iisue ng stocks sa publiko. Kunwari bumili ka ng stocks ng Jollibee, ibig sabihin noon isa ka na sa  may ari ng Jollibee. At dahil bumili ka ng stocks ng Jollibee, may mas marami silang pera para makapag tayo pa ng maraming branches dito sa Pilipinas at sa abroad at dahil dito maraming trabaho ang nalilikha. Kumita ka pa, nakatulong ka pa! Win-win talaga mag invest sa stock market!

Bakit Market? Para kasi itong malapit na palengke or supermarket kung saan nakaka bili ka ng iba't ibang bagay na kailangan mo. Imbis na bumibili ka ng mga sangkap mo sa pag luluto or mga gamit mo sa personal hygiene bumibili ka ng iba't ibang stocks mula sa iba't ibang kompanya katulad ng Philippine National Bank, Jollybee, Puregold at iba pang kompanya na nakikita mo lang sa TV at daan.

Paano naman kumikita sa Stock Market?

May dalawang paraan ng pagkita sa Stock Market: Una ay sa pamamagitan ng pagtanggap ng Dividends at pangalawa ay sa pag antay ng pag taas ng presyo ng stock price na binili mo para maibenta ito sa mas malaking halaga o tinatawag na "Capital Appreciation".

Pag usapan natin ang Dividends. Di ba sabi ko kanina pag bumili ka ng isang stock bali nag mamayari ka ng isang kompanya katulad ng Jollibee? Sabihin na natin kumita ang Jollibee ng limang bilyong piso sa isang taon at ngayon napagkasunduan ng board members ng kompanya na mamigay ng pera para sa mga stockholders bilang pabuya or reward sa pag iinvest sa nasabing kompanya. Ang pabuya na yun ay tinitawag na Dividends. Minsan ang Jollibee ay nag dedeclare ng around 1 peso per share na dividend. Sabihin na natin may 1000 shares ka ng Jollibee tapos nag declare ng 1 peso per share dividend, so kada isang share mo ay tatangap ka ng piso so may extra 1000 pesos ka dahil may 1000 shares ka ng Jollibee. Ang sarap nun no! Bumili ka lang ng shares, natulog ka lang tapos bibigyan ka ng pera na walang kapagod-pagod. Warning! hindi ito nangyayari buwan-buwan! At wag din maniwala sa mga pelikula at sa kwento ng iba na sa dividend ka yayaman. Tanungin mo ako bakit? Kasi sa isang taon dalawang beses lang nag bibigay ng dividend ang isang kompanya.
Marami na ang tatlong beses. At wala rin fixed schedule kada taon ang pag bibigay ng dividend dahil ito ay discretionary or sariling pagpapasya ng board of directors ng isang kompanya, di purket nakatanggap ka ng dividend ngayong June ng taon na ito ay tatanggap ka ulit ng dividends sa June ng susunod na taon. Masaklap pa may ibang kompanya katulad ng Philippine National Bank na hindi nag bibigay ng dividends. Kung gugustuhin mo bumili ng maraming shares para mas malaki ang dividends mo, dapat malaki ang puhunan mo. Sa 1000 shares pa lang ng Jollibee ay aabutin ka na ng around 150,000 pesos. Hindi rin worth it na mag iinvest ka ng  ganitong kalaking halaga para kumita lang ng kulang kulang pa sa isang porsyento ang kita na ma dadagdag lang ng 3 beses sa isang taon, mas mabuti mag tayo ka na lang ng sarili mong negosyo kung ganun! Ang talagang nakikinabang sa dividend ay yung mismong may-ari ng kompanya o yung majority shareholder katulad ni Tony-Tan Caktiong ng Jollibee na may bilyong-bilyong shares. Pero kung ikaw na may 100 or 200 shares, wag ka na umasa sa dividends.  Do the math and see how meager your earnings are with that number of shares.

Mas masarap at mas exciting pag usapan ang Capital Appreciation. Ang Stock Market ay mahahalintulad din yan sa Real Estate which is pag bili at pag benta ng bahay o lupa. Yung iba ay nag sisikap makabili ng sariling bahay at lupa kasi "good investment" daw since tumataas ang presyo lalo na around Metro Manila ka bibili.  Ang konsepto ng appreciation ay ganito: bibili ka ng bahay na worth eight hundred thousand pesos tapos after 2-4 years ay ibebenta mo sya ng 1 million pesos. Yung capital mong 800 thousand pesos ay tumubo ng 200 thousand pesos sa loob ng 2-4 years. Ganyan din ang konsepto sa stock market, bibili ka ng shares ng PureGold let's say ang price nya ngayon ay 35 pesos tapos after few weeks or months pag umabot na ng 50 pesos saka mo sya ibebenta para kumita ka ng 15 pesos.So kung bumili ka ng 35 pesos per share at 10 shares binili mo, edi nag invest ka ng 350 pesos then binenta mo sya ng 50 pesos per share sa 10 na binili mo edi naka benta ka ng 500 pesos na may kita na 150 pesos. Do it repeatedly at unti-unti ang pag yaman mo.

So to recap ang Stock Market ay isang pribadong institusyon kung saan ang mga malalaking kompanya ay na bebenta ng stocks sa publiko bilang dagdag kapital at ang publiko naman ay bumibili at nag bebenta ng stocks sa pag asang kikita sila sa pamamagitan ng "Dividends" at pag benta nito sa mas malaking halaga na tinatawag na "Capital Appreciation".

Next topic naman ay paano magsimula sa Stock Market.

5 comments:

  1. 35 pesos per share x 10 shares binili mo is 350 pesos lang...tama ba?
    just to clarify for our readers..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for the clarification. Indeed 350 pesos lang, overlook ko yun. Thank you!

      Delete
  2. Thank you Sir.I am learning..Madaling intindihin.Keep it up.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung mga gusto po ng sumali or sumama sa groups nang mga Newbie at Professional Trader/Investor PM nio lang po ako sa FB at https://www.facebook.com/erick.r.alvaro para mai add ko po kayo sa GROUP / Private po ito kaya by request ang approval Maraming Salamat po and Happy Trading

      Delete
  3. good news for job seekers.. want to work online at the comforts of your home ..try this site if your still searching online jobs ...
    BUILD YOUR CAREER ONLINE WHILE BEING A FREEMAN
    Start working at home and visit us at http://www.unemployedpinoys.

    ReplyDelete