Friday, February 14, 2014

Paano Magkaroon ng Kapital Pang Stock Market?

Mayroon akong kaibigan na super excited mag invest at magtrade sa Stock Market. Talagang hilig nya ito sa katunayan alam nya halos lahat patungkol dito mula sa paano bumili at magbenta, mag analyse ng kunti sa chart hanggang sa mga trading strategies. Kaso ang number 1 nyang problema ay paano mag simula dahil lagi sy
ang walang pera nakalaan para makapag bukas ng Brokerage Account. Dahil dito ay nakokontento na lang sya mag trade gamit ang demo ng PSE.Gusto mo ba maging katulad ng kaibigan ko na ito na isang frustrated na wanna be stock trader o businessman?

Sa larangan ng investment hindi mabuting idea ang pag utang sa ibang tao para magkaroon ng kapital lalo na't bagohan ka sa isang negosyo. Isa rin ang option ang pag utang sa Bangko kung hindi ka maka utang mula sa iyong pamilya at mga kaibigan pero mostly likely mag dedecline ka o di kaya mahihirapan ka bayaran ito at pwede pa ito humantong sa isang pinansyal na sakuna kung hindi mo mamanage ang iyong negosyo katulad ng pag tratrade sa stocks kung saan bihira ang immediate return. Mabuti ang pag utang kung well stable na ang business mo at gagamitin mo ito pang expansion at may cash flow ka na may pang bayad sa utang.

Naniniwala ako na halos lahat ng tao ay may kakayahan makapag invest sa stocks o sa kahit anu mang negosyo sa pamamagitan ng pag organize ng sweldo. Bago ko muna ituro ang technique paano i-organize ang pera nais ko sana buksan ang isipin nyo na hindi purke graduate ka ng isang kurso mula sa isang prestiyosong pamantasan o may napakaganda kang trabaho hindi ibig sabihin nun ay experto ka na sa pag manage ng pera mo.Heto ang dahilan kung bakit maraming college graduate sa mundo pero hindi naman milyonaryo at baon pa sa utang. Marami nag aakala na pag mas malaki ang sweldo ehh mas malaki naiipon, at dyan kayo nag kakamali. Mayroon akong isa pang kaibigan na isang manager sa isang kompanya na kumikita ng halos 40k sa isang buwan, guess what sya pa ang may ganang umutang sa akin na may sweldo na wala pa sa kalahati ng kinikita nya. Bakit nagkakaganito ang kaibigan kong ito?

Una, hindi nya makontrol ang sarili pag may bagong labas na gadget. Pag may bagong labas na Iphone or Android phone bili agad! Humahantong pa ito sa pag gamit ng credit card na pati minimum ay hindi pa mabayaran kaya lalong nababaon sa interest at late fees.

Pangalawa, hindi organized ang sweldo kaya pagdating ng emergency ubos agad ang savings.

Kung ganito ang kalagayan mo aba'y kailangan mo tanggapin sa sarili mo na ikaw ay isang Financially Illiterate.

Ang unang hakbang para umunlad ay pag lunok sa iyong ego. 

Ngayon para tayo'y makapag start mag invest sa stocks ang tanging kailangan ay maging organized sa sariling sweldo at maging disiplinado sa pag hawak ng pera. Kung wala ang isa nito ay tyak na tyak walang mangyayari sayo at hanggang pangarap na lang ang panaginip mong yumaman! Tandaan: hindi mo kailangan maging magaling sa Algebra o Geometry para magawa ito, kailangan lang dito ay disiplina at consistency.  Pwede sundan ang simpleng model na ito na 70-20-10 na syang tinuro ni Bo Sanchez sa kanyang mga katulong para makapag simula sila sa stocks. Ano ba ang 70-20-10? Heto ang pag divide sa sweldo na kinikita kada buwan sa pamamagitan ng paglalagay nito sa iba't ibang sobre o bank account. Binubuo ito ng mga ss:
70% ng sweldo mo ay sa pang araw-araw na pangangailangan mo kasama na rin dito ang pera gagamitin mo pang emergency
20% pang invest mo sa stocks o sa kahit ano mang negosyo. Heto ay HINDI dapat magalaw sapagkat naka takda lang ito pang invest. Heto ang susi sa magandang kinabukasan mo!

10% naman ay pang charity donation mo. Kung ikaw ay isang born again christian o myembro ng isang relihiyon na naniniwala sa tithes heto ang pera nakalaan para doon, kung hindi ka naman myembro ng isang organized religion katulad ko pwede mo ito ilaan pang tulong sa mga ka pamilya; kapuso; at mga kamag-anak na mangangailangan sa panahon ng emergency. 



Kung gusto mo mas lalong maging organized pwede rin magkaroon ka ng limang money jars o bank accounts: 50% pang araw-araw na gastos,10% pang emergency,10% pang gimmick, 10% pang bigay tulong at 20% pang invest. Mas maganda kung ilalagay mo sa tatlo o limang bangko ang sweldo kada kinsenas at katapusan para mas secured at hindi mo basta-basta magagalaw ang pera mo. Mas mainam kung mag dedeposit ka sa mga malalaking bangko para mabawasan  ang risk na mawala nag pera mo dahil sa pagkalugi. Hassle kasi kung nag deposit ka sa maliit na bangko tapos nalugi kasi patagalan para makuha mo lahat na tinabi mo. Mga magandang halimbawa na paglagyan ng deposit ay:  BPI, BDO at East-West Bank.Mas mainam kung kada bank account ay iba't ibang bangko para dumating man ang napaka rare event na malugi ang isa ay may iba ka pang bank accounts na sasapo sayo.

Halimbawa ng 70-20-10 savings system:

Sweldo mo ay  10,000 kada buwan

7,000 pesos pang araw-araw na gastos at emergency

2,000 pang invest

1,000 pang bigay tulong

Halimbawa ng 50-10-10-10-20 Money Jars System:

10,000 kada buwan na sweldo

5000= pang araw-araw na gastusin

1000= pang emergency

1000= pang gimmick

1000=pang bigay tulong

2000=pang invest


Sa pamamagitan ng pag oorganize ng pera ay makakalikom ka ng 5,000-25,000 na kailangang pondo sa pag sisimula sa stocks kahit minimum wage earner ka. Kung nag sasantabi ka ng 2,000 per month ehh sa loob lamang ng tatlong buwan ay makakaipon ka na ng 6,000 pesos at may sobra ka pang 1,000 kung ikaw ay magsisimula sa COL Financial. Sa pamamagitan rin nito ay maiiwasan din ang malaking pag gastos sa mga hindi naman kailangan na bagay katulad ng mamahaling damit o gadgets dahil ang pera mo ay nakalaan na iba't ibang importanteng gastusin na hindi nawawala ang balanse sa buhay mo dahil may pang gimmick ka pa! Wala naman masama bumili ng mga mamahaling bagay pero kung ito ay makakaubos na halos buong sweldo mo ito ay makakasama sa iyo.

Isa pang tip, sundan ang sinabi ni Eli Soriano na "huwag mag patumpik tumpik, huwag mag pa delay-delay..." Kung magsisimula tayo mag organize ng pera habang bata pa tayo ay mas mainam para mas maaga tayo makapag retiro sa ating mga trabaho




 




1 comment:

  1. mali naman ata yung mga salitang frustrated na wanna be stock trader o businessman? kasi depende sa situations siguro sir, maari siguro na wala lang talagang pera pang start & alam naman natin na karamihan sa gusto mag start is need mo ng pondo or capital, wala business or investment na hindi mo need ng pera, maraming pilipino ang magagaling kung tutuusin yun nga lang talaga ang karamihan ay walang capital or kung meron man ay sobrang kulang kahit anong budget ang gawin at yun ay mauuwi na lamang sa isang pangarap ang pagiging stock trader or sa business man or other investment. Alam din naman natin ang salitang maraming paraan at marami ring dahilan, pero sa estado ng sahod ng isang pinaka ordinaryong pamilyang pilipino na minimum wage earner at maraming miyembro ng pamilya ay medyo maliit talaga ang chance mag karoon ng capital, kaya hindi maiwasan ng iba talaga ang mangutang, pero gaya nga ng sabi ko Pag gusto mo maraming paraan.

    ReplyDelete