Thursday, November 5, 2015

Western Bar Chart at Trendlines

                         Sa mga nakaraang videos at artikulo ay ating tinalakay ang iba't ibang Japanese Candlestick Formations na nag papakita ng reversal at continuation patterns upang madali natin matukoy ang tamang oras upang bumili at magbenta ng sapi. Sa artikulong ito ay tayo naman ay dadako sa Technical Analysis na ginagamit ng mga nasa kanluraning bansa: Ang Western Technical Analysis. Ang pinaka pundasyon nito ay ang Bar Chart at Trendlines. 

Bar Chart

                       Ang Bar Chart ang isa sa mga popular na ginagamit upang makita ang trend o ano ang sentimyento ng mga iba pang mangangalakal at investors maging ito'y Bullish o Bearish. Gaya ng Japanese Candlesticks, ang bar chart ay pinapakita ang relasyon ng opening, closing, high at lowest prices ngunit sa pamamagitan ng mga maliit na guhit sa gilid.

Ang Bar Chart ay binubuo ng apat na parte:

Open= Ang unang presyo ng palitan ng sapi sa isang araw. Ito ang maliit na horizontal line o tick sa kaliwa.

High= Pinakamataas na presyo naabot ng sapi.

Low= Ang pinakamababang presyo ng palitan ng sapi sa loob ng isang araw.

Close= Kung saan nag sarado ang presyo ng sapi sa naturang araw, heto yung maliit na horizontal line o tick sa kanan.

Tignan ang Exhibit 1 para sa illustrasyon ng mga parte.

                          Ang malaking pinagkaiba ng Bar Chart at Japanese Candlesticks ay imbis na kulay berde o pula ang makikita ninyo, sa Western Bar Chart ay makikita ang pagkakaiba ng position ng maliit na horizontal lines o ticks na nasa kaliwa at sa kanan. Kung mas mataas ang maliit na guhit na nasa kanan kaysa ng nasa kaliwa, ito'y nangangahulugan na mas mataas ang presyo ng closing price kaysa opening price, at ito'y maituturing bullish day dahil nag wagi ang mga investors na positibo ang pananaw sa naturang sapi. Gayun din naman kung mas mataas ang opening price kaysa sa closing, ito'y nangangahulugang bearish day dahil nag wagi naman ang mga pessimistic o may negatibong pananaw sa isang sapi. Posible rin na ang opening price ay sya ring highest price ng naturang araw na yun at ang closing price naman ang lowest price, heto'y nangangahulugan na maraming investors o stock traders ang gusto mag benta at umalis sa stock sa naturang araw na iyon. Gayun din naman ang kabaligtaran kung saan marami naman ang gusto bumili ng sapi sa naturang araw na inilalarawan ng isang bar.






 Exhibit 1: Halimbawa ng Basic Structure ng Bar Chart


Ano ang Trend ng isang stock? 

                                   Kung sa mga social media ay may trending topics na binibigyang komento ng maraming tao, sa larangan ng kalakalan ng sapi ay meron ding trend na syang binibigyang pansin ng maraming investors. Ang mga trends na ito ay syang nagbibigay impormasyon kung saan patungo o ano ang direksyon ng mga presyo ng sapi. Kung ikaw ay may balak bumili ng isang sapi, mahalaga malaman kung ito ba'y uptrend, downtrend o sideways. Ito rin ay madaling malaman sa pamamagitan ng bar chart. 



 Exhibit 1.1: Kapag halos magkakasunod na mataas ang highest high, lowest low at closing prices ng mga bars ay maituturing itong uptrend


Exhibit 1.2: Kapag halos magkakasunod na bumaba ang hihgest high,lowest low at closing prices ng mga bars ay maitutuing itong downtrend.



Exhibit 1.3: Kapag wala naman progresibong pag taas o pag baba ang mga bars ay maituturing itong sideways


                                  Makikita sa Exhibit 1.1 ang isang halimbawa ng uptrend kung saan pataas ng pataas ang closing price ng bawat isang bar habang lumilipas ang mga araw, isa pang kondisyon upang ma consider na uptrend ang isang sapi ay dapat pataas din ng pataas ang highest price nito kompara sa nakalipas na araw maging ang lowest price ng kada isang bar na dapat mas mataas din kaysa sa nakalipas na araw. Pero ang pag akyat ng presyo ng mga sapi ay hindi isang derechong vertical line, may mga araw kung saan bahagyang bumaba ang presyo ng sapi dahil sa Profit Taking o Correction kung saan ang mga naunang bumili ng sapi sa pinakamababang presyo ay sabay-sabay na binenta ang kanilang pag aaring shares upang matamo ang tubo nila, ngunit hindi tuluyang babagasak ang presyo ng sapi dahil may mga investors na positibo pa rin ang pananaw sa sapi na syang hahadlang sa pag bagsak nito. Kaya mapapansin nyo rin sa Exhibit 1.1 kung saan sa ikaapat na araw ay mas mababa ang closing price nito kaysa sa closing price noong naunang araw bago ito ngunit sa mga sumunod na araw ay nagpatuloy ang pag akyat nito. 

                               Kung merong uptrend meron din naman tinatawag na downtrend kung saan ang mga closing, high at lowest prices ay magkakasunod na bumabagsak gaya ng makikita ninyo sa Exhibit 1.2. Heto naman ang kabaligtaran ng uptrend kung saan mapapansin ninyo na pababa ng pababa ang closing price kaysa sa naunang araw, gayun din naman ang highest price kada bar ay unti-unti bumababa kaysa sa mga naunang bar at maging ang lowest price nito. Gaya sa uptrend, hindi rin straight na vertical ang pag bulosok ng presyo ng sapi, may mga araw o pagkakataon na bahagyang umaakyat ang presyo dahil sa mga bargain hunters na inaakalang mura o may diskwento ang isang sapi dahil sa pag bulosok ng presyo na ito, dahil sa pag sabay-sabay nilang pag bili ay nagkakaroon ng saglit na pag taas ng presyo pero karamihan ng may ari ng sapi ay negatibo pa rin sa hinaharap ng kompanya kaya ito'y patuloy pa rin sa pag baba ng presyo. 

                             Ang pangatlong direksyon naman ay tiantawag na Sideways. Ang mga ibang market technicians ay tinatawag din itong Consolidation o minsan ay Trendless dahil hindi umaakyat o bumabagsak ang presyo. Heto ang isa sa mga dapat iwasan ng mga mangangalakal ng sapi dahil biglang taas at baba ang presyo ng sapi ngunit wala itong klarong direksyon na pinatutunguhan maging pataas o pababa. Gaya ng makikita ninyo sa Exhibit 1.3 ay mapapansin ninyo na kada isa o dalawang araw ay biglang babagasak ang closing price tapos bigla itong tataas, mapapansin din na walang klarong direksyon ang mga highs at lows ng bawat bar. 

Tandaan! 

Pag uptrend: 

1. Mas mataas ang closing price kaysa sa naunang araw.

2. Mas mataas ang highest price kaysa nakaraang araw.

3. Mas mataas ang lowest price ng bar kaysa sa naunang araw

Downtrend:

1. Mas mababa ang closing price kada araw.

2. Mas mababa ang highest price kaysa sa mga nag daang araw

3. Mas mababa ang lowest price kompara sa mga nakaraang araw.

Sideways o Trendless: 

Biglang taas at baba ng mga opening, low at high prices kada bar at wala itong pattern ng pag akyat o pag baba.

Ano ba ang importansya ng mga trends?

                           Ang popular na kasabihan sa Technical Analysis ay "kaibigan mo ang trend" dahil ito pagsisimulan mo ng stratehiya upang bumili o mag benta ng sapi. Laging pinipili ng mga market technicians ang isang sapi na may trend mapa uptrend man o mapa downtrend dahil sa ibang stock markets gaya ng New York Stock Exchange ay pwede ka kumita kahit downtrend sa pamamagitan ng pag short sell ng isang sapi sa pamamagitan ng paghiram nito mula sa broker o sa iba pang investors upang ito'y ibenta sa mataas na presyo at bilhin muli ito pagkatapos bumagsak. Kaya ang pinakaiiwasan lang na trend ay ang sideways dahil walang definite na direksyon. Sa madaling salita, gamit ang pagbabasa ng trend ay maiiwasan mo ang pag bili at pagbenta ng sapi sa maling panahon upang mapangalagaan ang iyong pera at ito'y mapalago. 

Ang Trendlines

                        Kung ikaw ay nag aanalyze ng isang sapi na gamit mula isang lingo hanggang ilang taon na timeframe mahirap ma obserbahan ang pattern ng mga high, low at closing prices ng bawat isang bar. Upang mapadali ang pag aanalyze ay mas mainam na gumihit ng trendline. 




Exhibit 2: Isang halimbawa ng paguhit ng uptrend sa sapi ng Ayala Corporation 



Exhibit 2.1: Halimbawa ng Downtrend sa sapi ng East West Bank


Madali lang gumihit ng trendline at ito ang mga patakaran:

Pagguhit ng Uptrend line: 

1. Humanap ng pinaka mababang presyo sa chart.

2. I-konekta ang pinaka mababang presyo sa mas mataas na low price (higher low) bago ang pinakamataas na presyo.

3. Ulitin lang ang proseso na ito hanggang sa tumigil na sa pag likha ng bagong pinaka mataas na presyo ang isang sapi.

Tignan ang Exhibit 2.2 bilang halimbawa


Exhibit 2.2: Halimbawa ng pagguhit ng uptrend sa sapia ng Jollibee. 



Exhibit 2.3: Halimbawa ng pagguhit ng downtrend sa sapi ng Rizal Commercial Banking Corp.


Pagguhit ng Downtrend line: 

1. Humanap ng pinakamataas na presyo (highest high) sa chart.

2. I-konekta ito sa high point (lower high) bago ang pinakamababang presyo.

3. Itigil ang pag drawing kapag hindi na ito lumilikha ng bagong pinaka mababang presyo.

Tignan ang Exhibit 2.3 bilang halimbawa


                        Sa pag sunod sa mga patakarang ito ay masusubaybayan mo ang galaw ng presyo ng sapi at mapapansin mo ang maagang senlayes na pag papalit ng trend kapag na break ang trend line.


Bar Chart Reversal Patterns 

                       Ang mga trends maging up, down o sideways ay hindi nanatili sa kanilang estado habang buhay , itoy' natatapos din. Gaya ng mga naunang paksa sa blog na ito ay tinalakay natin ang iba't ibang reversal patterns ng Japanese Candlesticks, sa Bar Chart ay meron din itong mga reversal patterns na nag bibigay sa atin ng senyales ng pag iiba ng direksyon sa presyo ng isang sapi. 

Inside Day 

                       Kung may Harami sa Japanese Candlesticks kung saan ang isang malaking candlestick ay sinundan ng mas maliit na candlestick na syang nag papakita ng pag babago ng trend, sa Bar Chart naman ay meron naman tinatawag na Inside Day kung saan ang isang matangkad na bar ay sinsusundan ng mas maliit na bar sa kasunod na araw na mas maliit ang pagitan ng high at low prices nito. Kaya ito'y tinatawag na inside day dahil ang galaw ng presyo ng sumunod na bar ay nag lalaro lang ito sa loob ng range ng naunang bar. Ito'y nangangahulugang na malapit na ang pag bagsak, kung uptrend ang isang stock at ito'y nag pakita sa toktok kasunod ang isang malaking bullish na bar, ito'y nangangangahulugan din na unti-unti na gumigising ang mga uso upang ibaba ang presyo at ang mga toro naman ay nawawalan na ng sigla upang ituloy ang pag suwag ng presyo pataas kaya maliit ang bar sa pangalawang araw ng Inside Day. Pero gaya ng Japanese Candlestick Reversals, mainam na lagi tignan ang susunod na bar upang makompirma ang babala. 

                      Ang interpretasyon nito ay nakadepende rin kung ano ang kasalukuyang trend ng isang sapi. Kung ito'y magpapakita habang nasa uptrend ito'y nangangahulugan na malapit nang matapos ang naturang trend at magbabago na ang direksyon nito pababa o baka mag sideways, gayun din naman pag bumababa ang presyo ng sapi ay nangangahulugan naman ng pag iba ng direksyon nito pataas o pa sideways. 


 Exhibit 3.0: Halimbawa ng Inside Day na may hawig sa Harami sa Japanese Candlesticks




Exhibit 3.1: Makikita sa sapi ng RFM ang isang Inside Day kung saan nag bigay senyales na maiksi lang ang buhay ng naunang uptrend



Exhibit 3.2: Makikita sa sapi ng Robinsons Land ang Inside day na ito upang i-senyales ang palapit na uptrend.

Outside Day

                            Kung may Bullish at Bearish Engulfing sa Japanese Candlesticks, meron naman Outside Day na tinatawag sa Bar Charting. Kaya naman ito tinawag na Outside Day dahil may mataas na bar na mag papakita pagkatapos ng maiiksi na bars gaya ng makikita natin sa Exhibit 4. Ito'y isang kabaligtaran ng Inside Day. Gaya ng Inside Day, ang interpretasyon nito ay nakasalalay sa kasalukuyang trend, kung ang trend ay pataas at biglang nag pakita ang isang mataas na bearish bar matapos ang maliit na bullish bar, ito'y ngangangahulugan ng nakaambang pagpapalit na direksyon ng trend o panandaliang pagpapahinga sa pag akyat gaya ng nasa Exhibit 4.1. 


Exhibit 4: Halimbawa ng Outside Day na may hawig naman sa Bullish Engulfing 



Exhibit 4.1: Halimbawa ng Outside Day sa sapi ng IRipple Inc. kung saan ang senyales ito ng panandaliang pag papahinga ng sapi mula sa pag akyat ng presyo nito ay bumaba ng saglit

Close at the Open

                            Kung sa Japanese Candlesticks ay merong Doji kung saan ang opening at closing prices ay magkaprehas o halos magkaprehas, sa Bar Chart ay meron din itong ka halintulad na nag papakita sa pagkawalan ng katiyakan kung magpapatuloy ang nasimulang trend o magbabago ng direksyon. Ito'y tinatawag na close at the open at ito'y halos kamukha ng Doji sa Japanese Candlesticks kung saan ang opening tick at closing ticks ay magkadikit o halos magkadikit na gaya ng makikita sa Exhibit 5. 

                           Ang interpretasyon nito ay nakasalalay din kung ano ang kasalukuyang trend ng isang sapi, kung kasalukuyang uptrend, ito'y nangangahulugan na baka matapos na ang naturang trend at posibleng bumaba na ang presyo o gumalaw pa sideways, gayon din naman kung sa downtrend ito mag pakita ay nagangangahulugan ito na baka mag bago na ang direksyon ng presyo papuntang itaas o mag sideways. Gaya ng mga candlestick reversal patterns lagging kailangan ang confirmation ng mga susunod na araw. Kung ito'y nag pakita habang nasa uptrend at ang kasunod nito ay bearish bar gaya na nasa Exhibit 5.1, ito'y nangangahulugan ng pag kompirma sa reversal gayun din naman kung downtrend kailangan mag hintay ng isang bullish bar. 



Exhibit 5: Halimbawa ng Close at the Open na halos kahawig ng Doji


Exhibit 5.1: Makikita ang Close at the Open sa sapi ng Ayala Corporation kung saan ito'y nagbigay ng babala sa pag papalit ng direksyon ng presyo pababa


                             Laging tandaan na kait anong stock market analysis gamitin mo maging mapa fundamental, technical, bar o Japanese Candlesticks ito'y lagging ipagpalagay na hindi ito perpekto at ihalintulad bilang instrumento na gamit ng PAGASA upang ma forecast ang magiging POSIBLENG direksyon ng isang bagyo, dahil nakasalalay ang pag taas at pagbaba ng presyo ng sapi  sa pabago-bagong pananaw ng mga investors at traders. Kaya lagging mag takda ng stop loss o presyo na bahagyang mas mababa kaysa sa presyo kung saan ka bumili katulad ng 4% below ng buy point o breakout ng support line upang makaiwas sa pagkalugi.  



Saturday, October 3, 2015

Mula Ang Dating Daan Hanggang Truly Rich Club- Ang Aking Religious Journey

Heto ang aking pagbabahagi ng aking karanasan sa pagiging myembro sa samahan ni Bro. Eli Soriano at ni Bro. Bo Sanchez
#Bo Sanchez#Truly Rich Club

         Members Church of God International o mas kilala bilang Ang Dating Daan ang aking relihiyon kinaaniban mula September 2004 hanggang January 2007.

PAALALA: Sa artikulong ito ay hindi ko intensyon na siraan o pasamaain ang sino man. Ang layunin ko sa pagsulat ng artikulong ito ay mag bahagi ng aking karanasan sa iba't ibang religious groups at magbigay palaisipan sa aking mga mambabasa.

 "Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad." Mateo 10:8 -Ang Dating Bibilia


                Sa kasulukuyan ay wala akong relihiyon kinaaniban, pero sa tuwing nag fifill out ako ng mga forms at iba pang paper works ay lagi ko sinusulat sa Religion Box o Field ay Roman Catholic dahil gusto ko iwasan ang mga walang kabuluhan  na diskusyon patungkol sa relihiyon, sa tingin ko sa isang debateng pang relihiyon ay wala naman nanalo.  Ang totoo isa akong free lancer o free thinker, personal ako naniniwala na may Dios pero ang dios na ito ay  walang kinakampihan o pinapanigang relihiyon.  Ngunit kahit ganito na aking disposition sa aking buhay may mga ilang aral o doktrina ng Ang Dating Daan ang aking pinapraktis katulad ng huling bahagi ng talata ng Mateo 10:8 "
tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad". Ang paulit-ulit na pag sabi ni Bro. Eli Soriano tuwing nag sisimula ang kanyang programang Ang Dating Daan ang isa sa mga bagay bakit ako nahikayat na sumali sa kanyang grupo noong ako'y 15 taon gulang. Bukod pa rito ay gusto ko ang kanyang ginagawa na pag expose sa katiwalaan ng iba't ibang relihiyon. 

                Ngunit sa pag lipas ng panahon na pamamalagi ko sa kanyang grupo ay nakita ko na wala rin sya pinag kaiba sa mga grupo na kanyang tinutuligsa. Sa una kapag ikaw dinodoktrinihan (pag aaral ng house rules sa Ang Dating Daan) ay may libre ka pang pagkain pero once na maging ganap na myembro ka na ito'y simula na ng inyong kalbaryo. In fairness sa Ang Dating Daan wala naman talagang pilitan pag dating sa abuluyan pero may mga pamamaraan sila na parang pinipilit ka pa rin mag bigay katulad ng pag-iyak ng kanilang mga manggagawa (counterpart ng Parish Priest sa Catholic Church) sa pulpito kesyo nakakaawa na daw si Kapatid na Eli at si Kapatid na Daniel Razon (yung successor ni Eli Soriano in case na mamatay sya at pamangkin nya) kesyo baon na daw sila sa utang, marami daw kaso (dahil maraming libel cases na isinampa ng kanilang nemesis- Iglesia ni Cristo) at marami daw pinagkakagastuhan ang Church nila like mga orphanages,broadcast at iba pa. Kung ikaw ay isang single at may trabaho madalas pang nagiging systema sa kanila ang tukahan ka o tatakdaan ka ng pinansyal na obligasyon (around 2,000 pesos per month), kasi ang mga opisyales ng mga lokal (similar sa parokya ng Catholic Church) ay pinepresure ng pangasiwaan ng Ang Dating Daan na ma hit ang mga financial goals nila. Bukod pa sa usaping pinansyal ay may mga pagkakataon pag ikaw ay kabataan ay oobligahin ka na pumunta sa Apalit, Pampanga upang ikaw ay mag linis ng kanilang headquarters pagkatapos ng pasalamat at mag iistay ka doon for 2 days, masakit pa dito ay hindi pa nila sagot ang iyong pamasahe! Out of pocket ka pa! Pwede naman hindi sumama pero magkakasamaan kayo ng loob ng youth officer na inyong lokal. Ang masakit pa dito kapag ikaw ay kabataan ay bawal ka makipag kasintahan kahit wala naman kayo ginagawang mga bagay na sekswal. Naalala ko pa, kapag may pa concert ang mga manggagawa  o si Bro. Eli Soriano mismo at tyempong may trabaho ka ikaw ay babagsakan ng ticket na nag kakahalaga mula 200-600 pesos, kahit hindi ka sumama ehh mapipilitan ka pa rin bumili ng ticket. Dahil sa mga kontradiksyon at super conservatism ng Ang Dating Daan ay nag desisyon ako layasan sila noong 2007. 
 Naging active ako sa The Feast (Officially Light of Jesus ang kanilang pangalan) sa PICC mula 2013 hanggang 2014.

                 Mga ilang buwan lumipas pagkatapos ko umalis sa Ang Dating Daan ay nagpasya ako bumalik sa kinagisnan kong relihiyon- Ang Roman Catholic Church. Masaya naman ang pagbabalik Katoliko ko pero nababahala ako sa mga ilang galaw ng Vatican gaya na lamang ng pag iwas nila sa responsibilidad sa mga nabiktima ng rape at sexual harassment ng kanilang mga pari. Imbis na parusahan ang mga pari ay inililipat lang ito ng ibang parokya. Fast forward to 2009 ay na encounter ko naman ang Light of Jesus o mas kilala sa kanilang weekly worship service na "The Feast" na pinamumunuan ni Bo Sanchez na isang Catholic Charismatic Group. Hindi sila separate na religious group katulad ng Ang Dating Daan ngunit sila ay similar sa El Shadai na nag papasakop pa rin sa Catholic Church pero may kakaiba lang sila paraan ng pag samba sa Dios. Ang isa sa kanyang mga speakers na si Alvin Barcelona ang aking unang nakilala noong ako'y umattend ng retreat sa dati kong pinag tratrabahhohan at madalas nya mabanggit si Bo Sanchez sa nasabing retreat. Lumipas ang ilang taon ng ako'y malipat ng trabaho sa isang bangko ay nakabili ako ng libro ni Bo Sanchez na may title na 8 Secrets of Truly Rich. Maganda at convincing ang pagkasulat ni Bo, talagang may katuturan. Na basa ko rin yung My Maid Invests in Stock Market na syang tuwang tuwa ako sa paraan ng kanyang pagpapaliwanag ng Stock Market sa plain English language at iba't iba pang libro na tumatalakay sa buhay ispiritual. Dahil dito ay nagbalik ang tiwala ko sa Simbahang Katoliko at nag simula ako umattend sa kanyang weekly feast noong 2013 hanggang 2014 at madalas ang kanyang mga talks ay patungkol sa Finance at praktikal na pakikisalamuha sa ibang tao. Ok sana si Bo Sanchez ngunit may mga bagay na duda ako, isa dito ay ang Truly Rich Club nya. Maganda ang layunin ng Truly Rich Club ni Bo dahil sila ay nag bibigay ng stock market tips para mapalago ang iyong pera. Mukhang credible at effective din ang kanilang SAM (Strategic Averaging Method) strategy na halatang denesign ng mga taga COL Financial dahil yung isa sa mga speakers nya ay isang broker mismo ng COL. Kaya hindi nakakapag tataka na ganun ka sophisticated ang mga buy and sell recommendations nila ng mga Sapi. Isa pa sa mga bagay na napuna ko ay ang pagkontra ni Bo Sanchez sa sarili nya (para lang si Eli Soriano na may kontradiskyon)  patungkol sa pag tratrade. Sabi nya ang mga ordinaryong tao daw ay hindi dapat aktibo sa  pangangalakal ng Sapi kundi bagkos ay mag invest o sa madaling salita ay bumili ng Sapi at hawakan ito sa loob sampu o dalawampung taon. Malinaw na kinontra naman ito ng isa nya pang libro na pinamagatang The Turtle Always Win noong inintroduce nya ang SAM na nagdidikta sa mas aktibong pangangalakal ng Sapi  sa pamamagitan ng tamang timing sa pag bili at pag benta sa tulong ng kanilang mga target prices sa mga napili nilang kompanya sa Philippine Stock Exchange. Ito ay maliwanag na  kontradiksyon. Ang pinaka nakakabahala ay may bayad pa ang pag sali sa Truly Rich Club. Iba-iba ang kanilang membership fees meron 500 per month hanggang sa may 1,000 plus per month kung gusto mo maging gold member. Granting the fact na effective ang SAM ng Truly Rich Club pero nan dyan pa rin ang katotohanan na may bayad ito na syang dahilan ng aking   pagkaduda kung malinis talaga ang intensyon ni Bo Sanchez at kung seryoso ba sya sa pagiging Kristyano. Kung talagang kumikita ka sa stocks at sobra-sobra ang pera mo at talagang totoo at malinis ang hangarin mo makatulong dapat ibigay mo ang stock tips mo ng libre. Sabi nga ni Kristo na sinunosunod nya sa Bibilia "tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad". -Mateo 10:8.  

                      Dahil sa mga karanasan ko na ito sa iba't ibang religious groups na nangangaral at nag claclaim na tinutulungan at ginagabayan daw sila ng Dios, sila daw ay labis na pinagpapala ngunit sa usaping pananalapi ay mukhang kinakapos sila at kailangan pa gumawa ng mga pakulo. Sa tingin ko walang pinagkaiba si Bro. Eli Soriano at si Bro. Bo Sanchez, spelling lang siguro ng pangalan?




                                

Friday, October 2, 2015

Stock Market Tutorial #7: Japanese Candlesticks Signals- Continuation Patterns Part 1

Ang video na ito ay tumatalakay sa mga Japanese Candlesticks Continuation Patterns upang makahabol sa nag sisimula ng Uptrend o para malaman kung hindi pa tamang oras bumili ng sapi kung downtrend. #Japanese Candlesticks


May mga pagkakataon ba na pag iwanan ka ng lipad ng isang partikular na stock at nanlulumo ka sa panghihinayang? Wag mawalan ng pag asa dahil sa video na ito ay ipapakita sa inyo ang mga Japanese Candlesticks Continuation Patterns na pwede magamit sa paghabol ng uptrend at pag iwas sa downtrend ng mga sapi(stocks).
#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Japanese Candlesticks #ABS-CBN Stocks #ABS

Thursday, October 1, 2015

Interbyu kay Alexander Carlos aka "Alex Onze"

Interbyu Kay Alex Onze. Magsilbing ito sana babala mula sa mga nag lipanang "Mutual Funds" na hindi naman lisensyado. #MutualFund
Ang video na ito ay ang aking panayam kay Alexander Carlos na ngayon ay sumisikat dahil sa kanyang Alex Onze Mutual Fund Page. Kayo na bahala humusga kung sya ba ay credible na humawak at magpalago ng inyong salapi.#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Wise Investment

Mag Isip Muna ng Mabuti bago Mag Invest sa Isang Mutual Fund

Ito'y babala sa pagpili ng Mutual Fund o kahit anong investment
Ang Chart na makikita nyo sa itass ay ang pag subaybay sa advise na buying point ni AlexOnze noong September 9th,2015 hanggang sa bumagsak ang presyo ng 2GO sa 7.90 pesos per share noong September 30th, 2015. 

PAALALA: Ang artikulong ito ay hindi nag lalayun siraan ang sinoman na mababangit. Ito'y nagsisilbing babala para sa lahat na gusto maging Quick Rich sa pamamagitan ng Mutual Fund na hindi lisyensyado sa ilalim ng Philippine Stock Exchange o Securities Exchange Comission. 

                   "The game of speculation is the most uniformly fascinating game in the world. But it is not a game for the stupid, the mentally lazy, the person of inferior emotional balance, or the GET RICH QUICK adventurer. They will DIE POOR." -Jesse Livermore, Stock Market Legend 


                     Gaya ng sinabi ni Jesse Livermore na isa sa mga pinaka successful stock trader sa buong mundo na nag simula lang sa kapital na $10,000; ang mga taong gusto ng biglang yaman sa pangangalakal ng Sapi sa Stock Market ay mamatay ng mahirap. Oo, maaring kumikita sila ng malaki ngayon pero ang sobrang bilis na pag yaman ay madalas ay hindi sustainable gaya na lamang na nakita natin sa mga iba't ibang pyramiding scams at mga pakulo ng mga nagpapakilalang Multi Level Marketing. Ika nga patikim lang sa umpisa. Hindi ligtas ang stock market natin sa mga ganitong pakulo, may posibilidad na may tao o grupo ng mga tao na pwedeng mag tatag kunwaring "Mutual Fund" at mangangako ng malakiang pagkita. Ang delikado pa dito ay hindi pa sila lisensyado ng Securities Exchange Commission at hindi pa autorizado ng Philippine Stock Exchange. Sabi nga ng mga experto sa pananalapi dapat mag iinvest ka sa isang lehitomong institusyon na talagang rehistrado at awtorizado ng ating pamahalaan upang ikaw ay ma proteksyonan kung sakaling may hindi kanais nais na pangyayari ang dumating. 

                      Isa sa mga kaibigan ko sa The Global Filipino Investors ang nagpakita sa akin ng isang FB Page na talagang nabahala ako noong aking siniyasat. Itong page na ito ay tinatawag na: Alexonze Income / Finance / Investment / Business / Self Improvement. Sa unang tingin akala ko magkaparehas kami ng advocacia na syang pag papalaganap ng kaalaman at pagkaunawa sa ating Pambansang Pamilihang Sapi (Philippine Stock Exchange). Ngunit pinanonood ko ang ilan sa kanyang mga videos at binasa ko rin ang kanyang mga posts, aking napag alaman ay sya pala ay nangangalap ng pondo para sa kanyang "Mutual Fund". Nadiskobre ko rin na sya ay nag ooffer ng Financial Advise para mangalakal ng sapi na walang ginagamit na Fundamental o Technical Analysis. Para sa kanya ang mga ganung Analyses ay isang kalokohan at meron daw syang technique paano kumita na sasabihin nya lang kung lalakihan mo ang donasyon mo sa kanya. Doon pa lang ay red flag na sa akin yun, dahil kung talagang kumikita ka sa pangangalakal ng sapi ehh hindi dapat sya nag papa bayad for advise. Isa pang bagay na nakakabahala ay hindi sya lisensyado ng PSE o ng SEC para mag operate ng isang Equity Fund (isang uri ng mutual fund na naka focus sa pangangalakal ng sapi). Hindi basta basta ang pag ooperate ng mutual fund kahit sabihin mong pribado ito the fact na 20 katao ang kanyang target na initial investors. Ang delikado pa dito ay pag ikaw ay mag dedeposit sa kanyang mutual fund ay ito'y ilalagay sa kanyang PERSONAL bank account at hindi sa isang institutional account na gaya ng mga lehitimong mutual o equity funds. 

                        Sabihin na natin fool proof ang kanyang mga advise at trading tactics, pero napansin ko may isa syang stock tip na hindi nangyari noong sinabi nya "QUICK TIPS QUICK TIPS QUICK TIPS!!!! Mga repapitz na may COL na GOOD to buy yung 2GO na stocks between 8.00 to 8.40 per share kahit nga yung 8.60 per share panalo yon!!! kundi now din within a week mabebenta nyo to sa mas mahal ng price! ". Kung susundin natin ang kanyang advise, makikita sa chart na mas lalong bumaba ang stock price ng 2GO na nag mula sa closing  na presyo nito noong September 9th na 8.65 at nag sara ito sa 8.50 noong Biyernes September 11th ito ay taliwas sa sinabi nyang "within a week" ito ay aakyat sa mas mataas na presyo. Makikita na may -1.73% loss kung sakto mo binili ito mula sa closing price. Sabihin na natin binili ko sa average price nya noong September 9th mula sa mataas hanggang sa pinakamababang presyo na inabot nya na syang 8.72 (High Price na 8.79 plus Low Price na 8.50 divided by 2) ito'y mas malaki pang loss na syang -2.52%!

     
                  
     Isa mga Stock "TIP" na binigay ni Alexonze noong September 9th, 2015 na hindi natupad.


                           Sa ganitong pagkakataon na isang price forecast ay hindi suportado ng Technical o Fundamental Analysis at lalo na sumablay pa ay nakakapag duda talaga.  Heto pa ang isa nya pang claim  para sa kanyang Mutual Fund: "Pinaka mababa kulelat at pinaka tangang diskarte at kita sa araw-araw ay P1,000 times 20 days trading time so sa loob ng one month may 20k tyong paghahatian" Mukhang mas nakakapangduda talaga ang pahayag na ito dahil ang mismong mga pinakamagaling sa larangan ng pangangalakal ng Sapi katulad ni Jesse Livermore at George Soros ay nababawasan ng pera sa mga talo. Kahit sila na ay beterano ay may mga pagkakataon sila ay nagkakamali ng price forecast at nalulugi ng bahagya. Mukhang imposible siguro na isang bagohan na tulad ni Alex Onze na isang taon pa lang sa pangangalakal ay 1,000 per day ang pinaka "tanga" nyang diskarte. Maaring nagagawa nya ito sa ngayon pero ako ay duda na masustain nya ito.


                                Makikita sa screenshot na ito ang kanyang pangako na pinaka 
                                kulelat nyang kita sa isang araw ay 1,000 pesos.  




                      
                         Kayo na bahala humusga kung gusto nyo ipag sapalaran ang salapi ninyo sa mutual fund ni Alex Onze. Personally hindi ako against sa kanya I think sya ay isang taong marangal,masipag, madiskarte at matulungin sa kapwa ngunit regardless of his good intentions ay nag dududa pa rin ako dahil sa mga bagay na aking  nabangggit.


Lahat ng Charts na ginagamit sa blog na ito ay pag mamayari ng COL Financial.

#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Japanese Candlesticks #Wise Investment

Stock Market Tutorial: BIlang Ayoda sa Lesson Number 6

Itong video na ito'y gabay sa pag guhit ng support at resistance lines
Sa bagong video na upload ng Pinoy Stock Exchange ay ipapakita kung paano gumuhit ng Support at Resistance Lines at kung paano rin gumuhit ng mga trend lines. I-click link lang ang page sa baba para mapanood ang nasabing video.

#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Japanese Candlesticks #COL Financial Chart Guide

Stock Market Tutorial #6: Support at Resistance (Tagalized)

Itong video na ito ay nagtuturo kung ano nga ba ang Support at Resistance Lines.
Nanonose bleed ka ba kapag nakakarinig o nakakabasa ng mga salitang "Support" at "Resistance"? Sa  video na bagong upload ng Pinoy Stock Exchange ay ipapaliwanag ang kahulugan ng mga nabanggit na termino sa sarili nating wika at paano ito makakatulong sa pangangalakal ng Sapi sa Philippine Stock Exchange.

#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Japanese Candlesticks #Western Technical Analysis

Tuesday, September 29, 2015

Stock Market Tutorial #5: Japanese Candlesticks Reversal Signals Part 3

Ang video na ito ay nagtuturo ng Japanese Candlesticks Reversal Signals upang ma tyempuhan ang pag galaw ng presyo ng mga Sapi sa Philippine Stock Exchange.Technical Analysis
Ang video na ito ay pagpatuloy ng pag-aaral ng Japanese Candlestick Signals para makabili at makapag benta ng sapi (stocks) sa tamang panahon.

#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Japanese Candlesticks

Monday, September 28, 2015

Stock Market Tutorial #4: Continuation ng Basic Japanese Candlestick Signals (Tagalized Video Presentation) Part 2

Ang video na ito ay nag lalayon mag turo ng mga iba't ibang Japanese Candlesticks Reversal Signals para ma tyempuhan ng maayos ang pag ingat ng isang sapi. #Technical Analysis
 

Heto ang karugtong ng Basic Japanese Candlesticks Signals na aking sinumulan. Sa video na ito ay matutunghayan natin ang iba't iba pang Japanese Candlestick Signals na pwede natin magamit sa pangangalakal ng Sapi (Stocks) sa Philippine Stock Exchange.

#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Japanese Candlesticks