Ano ba ang broker?
Sa mundo ng real estate hindi lahat ng mga FOR SALE na bahay na may contact no. ay yung mismong may ari ng bahay or developer katulad ng Camella Homes na nag bebenta ang makakausap mo, kadalasan mga broker or "agent" ang makakasagot ng telepono para ibenta ang bahay sayo. Madalas ito mangyari pag may mga bagong subdivisions na binibenta.
Ang broker sa stock market ay halos kagaya ng mga ahente sa real estate.Sa madaling salita isa itong tao o institusyon na nagsisilbing tulay para ikaw ay makabili at makabenta ng stocks sa merkado. Sila ang namamagitan sa transaksyon sa pagitan ng isang investor na katulad mo at ng kompanya na nag bebenta stocks tulad ng Jollibee o Puregold o pwede naman mag benta sayo ay kapwa mo rin investor. Pwede ito maging isang kompanya na dedicated sa pagiging stock market broker katulad ng aking broker COL Financial Group Inc o isang bangko katulad ng BPI at RCBC.
May dalawang uri ng broker: Traditional Brokers at Online Brokers
Ang Traditional Brokers ay isang uri ng broker kung saan tumatanggap sila ng order sa pagbili at pagbenta ng stocks sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang opisina. Kadalasan malaki ang commission charges nila kaya mas malaking kapital ang kailangan kung gusto mo mag trade sa kanila. Heto ang dahilan bakit noong araw talagang mga mayayaman lang ang nakakasali sa Stock Market dahil sa laki ng commission charges na umaabot ng daang libong piso hanggang milyon dahil yung mismong broker ang bibili ang at mag bebenta ng stocks para sayo.
Online Brokers- Salamat sa Internet maraming tao ngayon lalo na ang mga karaniwang mamayan katulad natin ay pwede na makasali sa Stock Market dahil sa mga Online Brokers katulad ng COL Financial at BPI Securities. Imbis na ikaw ay tatawag sa isang broker para makabili at makabenta ng stocks, sa Online Brokers ikaw mismo ang bumibili at nag bebenta ng stocks mo kumbaga pinaparenta sayo ang pasilidad para ikaw mismo makipag transact sa kapwa natin investors o mismong kompanya na nag bebenta ng stocks. Dahil wala kang ibang tao na natawagan para mag trade para sayo, mas maliit ang commission charge na halos barya lang kompara sa traditional broker kaya kahit sino kahit estudyante na edad 18 pataas ay pwede na makapag trade.
Ngayon paano magkaroon ng account sa isang Broker?
Itututro ko sa inyo kaano kadali magkaroon ng isang brokerage account para makapag trade sa Philippine Stock Exchange. Sa parteng ito ay ituturo ko paano mag bukas ng account sa isang online brokerage firm katulad na nabanggit dahil mas mura at madali ito gawin
Step 1: Pili ka muna ng online broker mo, heto pag pipilian mo:

www.colfinancial.com

www.rcbcsec.com
www.abcapitalonline.com
Step 2: Pagkatapos mo pumili ng online broker mo, i-fill out ang mga kailangan na forms na makikita sa kanilang website at ipasa ang mga kailangan na dokumento like Government IDs at proof of billing. Ang forms ay parang nag bubukas ka lang ng savings account sa isang bangko dahil kailangan mo pirmahan ang signature specimen.
Step 3: Pondahan ang online account mo. Kadalasan ang mga brokers na ito ay humihingi ng minimum amount na 5,000 pesos hangang 25,000 pesos depende sa broker except ang BPI Trade kung saan 1,000 pesos lang pwede ka na ma kapag bukas provided may savings account ka na sa kanila. Ang minimum amount na pera na ito ay para pambili mo ng stocks at hindi ito gagaliwin ng broker mo kung hindi ka bibili ng stocks, ito ay mananatili lang sa cash position mo or tinatawag nilang "buying power" kung saan ito ang pera na pwede mo gamitin pang bili ng stocks.Maganda dito, kahit maubos ang pera sa cash position mo sa kakabili ng stocks hindi mag sasara ang online account mo except BPI Trade na kailangan may maiwan na 500 pesos. Sa mismong ilalabas ko artikulo ay tuturuan ko kayo i-organize ang pera nyo para makapag pondo pang invest sa stock market.
Step 4: Bili na ng stocks. Sa mga susunod na artikulo ko ay ituturo ko paano pumili, bumili, at malaman ang tamang panahon bumili ng stocks.
Ganyan lang ka simple para makasali sa Philippine Stock Exchange at maging kaagapay sa paglago ng ating ekonomiya!
No comments:
Post a Comment