Sa mga nakaraang artikulo ay itinuro ko ang dalawang paraan ng pagkita sa Stock Market. Ang unang paraan ay ang pagtanggap ng dividends sa companies na binilhan mo ng stocks bilang pabuya sa pag titiwala at pag iinvest sa kanila at pangalawa naman ay ang pagbenta ng iyong stocks sa mas mataas na halaga. Upang magawa ito kailangan mag bukas ka ng account sa isang broker katulad ng mga online brokers na aking na banggit sa ikalawa kong artikulo na inilabas ko sa blog na ito at dapat ito'y mapundahan para may pang bili ka ng stocks. Sa artikulong ito ay aking ilalahad ang mga simpleng steps paano bumili at mag benta ng stocks.
Paano Bumili?
Pagbili ng stocks ang isa sa pinaka mahalagang simula para kumita sa stock market. Heto ang mga step by step na paraan sa pag bili:
Step 1: Alamin ang Ticker Symbol ng Kompanya na Bibilhin mo
Mahalaga malaman kung ano ang Ticker Symbol. Ang Ticker Symbol ay parang acronym ng isang kompanya naka lista sa Philippine Stock Exchange at madalas ay binubuo ito ng tatlo hanggang apat na letra. Halimbawa: JFC=Jollibee, MBT=Metrobank and Trust,BDO=Banco de Oro, BPI= Bank of Philippine Islands, atibp. Para malaman ang mga ticker symbols at mga kompanya nakasali sa Philippine Stock Exchange ay maari pumunta sa website ng PSE: www.pse.com.ph. Heto ang mga larawan paano makuha ang ticker symbol at mga kompanya nakasali sa Stock Market:
Exhibit 1: PSE Website- Paano hanapin ang Ticker Symbol
Exhibit 2: Paano Hanapin ang Ticker Symbol sa COL Financial Website
Step 2: Bilhin ang nais na Stock
Ngayon nakapili ka na ng Stock na gusto mo bilhin, ituturo ko naman paano bumili ng stocks. PAALALA: Sa mga sumusunod na halimbawa ay gamit ko ang Trading Platform ng COL Financial para mabigyan ng idea ang mga mambabasa kung paano bumili ng stocks. Ang iba't ibang brokers ay may kahalintulad na layout sa kanilang website at kung ikaw ay nahihirapan hanapin ang Trade section nila ugaliin komonsulta sa kanilang Frequently Asked Questions (FAQ) o tumawag sa kanilang customer service hotline.

Part B: I-type at I-enter ang napiling ticker symbol. sa halimbawa na ito ay ginamit ko ang ticker symbol ng BDO
Exhibit 3: Paano ang hanapin ang Trade Section sa COL Financial Website
Exhibit 3-a:Right side ng Trade Section ng COL Financial Website
Part C: Sa gawin kanan pag ka hit mo ng enter after mo ma-i type ang ticker symbol, lalabas ang section na ito na nag papakita ng Bid and Ask Tables, Last 5 Trades at iba pang financial information sa far right. Hindi lahat ng bagay dito ay kailangan mo i-analyze, ang kailangan mo i-focus dito ang Bid and Ask Table, Last Price at Board Lot. Ngayon talakayin naman natin isa-isa para mas lalo nating maintindihan:
Ang nasa gawing kaliwa na tinatawag na Bid table ay makikita ang mga tao naka "pila" para bumili ng stocks. Yung nakikita nyong numbers sa far left under size ay bilang ng mga tao yun na gusto bumili ng BDO stock sa particular na halaga at dami. Ang nasa kanan naman ay ang Ask Table kung saan pinapakita ang dami ng stockholders na gusto magbenta sa particular na dami ng stocks at halaga halos katulad ng bid table. Mapapansin din na habang tumataas ang bumaba bid table mas pababa naman ng pababa ang presyo na dinidemand ng mga buyers, ika nga gusto mabili ang stock sa mas murang halaga. Ang nasa ask naman ay mapapansin naman na mas lalong tumataas ang presyo habang bumababa sa lower portion ng table, ang mga sellers naman ay nag nanais na makabenta sa mas malaking halaga. Ang Last Price naman ay ang huling pinagkasunduang presyo sa bentahan ng stocks sa nakaraang minuto o segundo. Ang Board Lot naman ay ang pinaka "minimum" amount of shares na pwede mong bilhin, heto rin ang guide mo para malaman magkano ang minimum investment. Halimbawa, para makabili ng share ng BDO ang minimum amount na pwede mo bilhin ay 10 shares sa halagang 80 pesos per share nangangahulagan na ang pera pang minimum investment ay 800 pesos. At kung bibili ka naman ng maraming stocks ng BDO dapat ay bumili in increments of 10 shares. Halimbawa gusto mo bumili ng shares ng BDO at gusto mo bumili sa halagang 5,000 pesos. Sa 5,000 dapat ay makakabili ka ng 62 shares sa halagang 80 pesos per share. Pero dahil ang board lot ng BDO ay 10 shares makaka bili ka lang ng hanggang 60 shares kung 5k ang budget mo. Ganun din kung gusto mo mag dadag ng stocks, dapat pa sampu-sampu.Para mabilis mabili ang stock kailangan mo i-pares ang stock price ng nasa pinakataas ng ask table imbis na makapila ka sa buyers na nasa ibaba. Hindi sa lahat ng oras na ang last price ay kaparehas ng pinaka taas ng ask price na makikita sa exhibit 3-a, pwede ito maging mataas o mas mababa. Kung bibili ka ang gamit ang last price, may posibilidad na hindi mo agad mabili ang stock.
Ang Board Lot ng isang stock ay depende sa kasalukuyang presyo nito. Halimbawa ang kasalukuyang presyo ng RFM ay 5.40/share, ang pinaka minimum amount o shares na pwede mo mabili ay 100 shares sa halagang 540 pesos. Heto rin ang minimum amount of shares na pwede mo ibenta kung sakali umakyat ang presyo nito. Ngayon baka maitanong mo: Paano kung bumaba sa limang piso ang ang RFM ehh 100 shares lang ang bili ko? Kung titignan maigi ang Board Lot and Fluctuation table sa ibaba, kapag bumamaba ang presyo ng stock below 5 pesos sabihin natin 4.99 ang board lot ay magiging 1,000 shares minimum pwede pag bili at pag benta. Sa makatuwid mas mababa ang presyo ng isang stock mas malaki ang board lot nito, kapag mas malaki ang presyo mas kunti ang board lot. Malas ka kung bumili ka lang ng 100 or 200 shares ng RFM tapos bumagsak ang presyo nito mula 5 pesos to 4 pesos, mahihirapan ka ipagbenta ito hanggang sa umakyat ulit sa 5 pesos ang presyo nito. Nangyari ito sa isang kaibigan ko na bumili ng MPI sa halagang 5 piso, ngayon nangangamote ako tulungan sya ibenta ito dahil sa kasalukuyan ay around 4 pesos ang presyo nito. Swerte ka naman kung umakyat sa 50 pesos ang stock price ng RFM dahil pwede mo ibenta ang shares mo pa sampu-sampu. Dapat mahalaga rin matutunan sa stocks ang tamang timing sa pagbili at pagbenta ng stocks na syang ituturo ko sa susunod na artikulo para maiwasan ang matinding pagkalugi.
Exhibit 4: Board Lot and Fluctuation Table
Pagkatapos mo makabili ng stocks heto ang kalalabasan:
Pwede makita ang mga stocks na nabili sa pamamagitan ng pag click sa Portfolio under Trade Tab.
Exhibit 5: Halimbawa ng isang Stock Portfolio
Ang dali lang bumili ng stocks di ba? Parang bumibili ka lang talaga ng supplies mo sa isang grocery o mga sahog pang luto mo sa palengke. Tandaan ang 2 steps: Pili stocks then Bili!
Madali lang din magbenta ng Stocks dahil kahalintulad nito ang pag bili:
Step 1: I-enter muli ang Ticker Symbol na binili mong stocks.
Tignan lang ang exhibit 3
Step 2: I-enter ang number of shares at i-match ang price sa pinakataas ng bid table na mayroon ka na pwede mo ibenta para mabilis ito maibenta. Hindi kailangan ibenta lahat ng stocks mo, pwede mo ibenta partially. Halimbawa may 50 shares ka ng BDO, pwede ibenta mo lang ay pa sampu-sampu. Pwede rin mag benta ng stock mula sa Stock Portfolio(tignan Exhibit 5) page at iclick ang Sell button sa pinaka kaliwa at pupunta sya sa page katulad ng nasa Exhibit 3.
After mo ibenta ang stock, makikita mo madadagdagan ang pera mo sa actual balance mo pag kinlick ulit ang Portfolio at mawawala na ang display ng stocks na mayroon ka(tignan muli ang Exhibit 5). Ngayon kung gusto mo i-withdraw ang pera na kinita mo, pwede mo na utusan ang broker mo na i-deposit na ang pera mo sa iyong bank account o kunin ang cheke sa kanilang opisina pero kailangan mag hintay ka ng within 4 business days para makuha ang pera dahil sa T+3 clearing time (para sa karagdagang impormasyon patungkol sa T+3 clearing ay pwede konsultahin ang Frequently Asked Question page ng iyong broker for withdrawal).
Talaga madali lang bumili at mag benta ng stocks, parang nag bubuy and sell ka lang sa e-bay o sa ayos dito ngunit ito'y mas mabilis sa stock market dahil may ready buyers ka na pag kabili mo ng stocks. Ngunit may limitation sa oras ng pag bili at pag benta, ito ay nagagawa sa oras na bukas ang stock market mula 9:30 ng umaga hanggang 3:30 ng hapon na may lunch break ng 12:00 ng tanghali hanggang 1:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes at sarado ito tuwing may piyesta opisyal katulad ng Rizal day at Araw ng Pasko.
Disclaimer: Ang mga larawan na gamit dito ay mula sa www.pse.com.ph at www.colfinancial.com. Ako po'y hindi isang employado o may balak i-promote ang mga naturang websites, heto'y aking ginamit sa layunin makapag bahagi ng kaalaman.
thanks a lot sir for the information.
ReplyDeleteKung bibili ka sa broker di ka ba lugi dahil sa mga tax na kakaltasin
ReplyDeleteSer sa trade po ba.. pwedeng bumili at mag benta sa isang araw?
ReplyDelete