Natatawa ako sa tuwing may isang stock market guru na nag sasabi "nakakalungkot dito sa Pilipinas dahil less than 1% lang ng populsyon ang nag iinvest sa stock market natin...". Sa isip-isip ko naman "ehh kaya naman less than 1% ehh kayo mismong taga Philippine Stock Exchange at mga Brokers ay hindi marunong mag Tagalog kaya karamihan sa mga pinoy na nonoose bleed!" Kaya layunin ng blog na ito na ipakilala ang Stock Market at ang mga konsepto nito sa wikang Filipino kasi nga karamihan ng mga experto sa Stock Market ay sadyang hindi marunong magtaglog kahit Pilipino naman sila. Feeling Amerikano noh pero Pilipino pa rin ang accent pag nag salita... Haha! Mabalik naman tayo sa serious mode, sa nakaraang aritikulo ay naipikita ko sa inyo kung gaano ka simple bumili at magbenta ng stocks at natutunan natin na hindi mo kailangan magkaroon ng accountancy or business management degree para makapag trade sa stocks. Kahit sino pwede talaga mag trade maging ang mga estudyante. Ngunit hindi natatapos sa pag bili at pag benta ng stocks ang iyong pag asenso pinansyal sa stock market, dapat matuto ka rin kung kelan ang tamang oras para bumili ng stocks at magbenta. Ang stock market ay parang isang napaka laking taniman kung saan tinatanim mo ay sarili mong pera at lupain na pinag tataniman mo ay iba't ibang kompanya na naka lista sa Stock Market. Tulad ng isang bukid, hindi lahat ng oras ay nag tatanim ka at nag aani ka. Wala naman siguro mag sasaka na nag tatanim sa tag ulan no? Ang pag pangangalakal ng stocks ay katulad din ng totoong negosyo. Hindi naman sa lahat ng oras at lugar ay pwede ka mag tayo ng isang negosyo katulad ng isang restaurant o sari-sari store? Kung may kakilala kayong mga estudyante na kumukuha ng BSBA o kahit anong kurso patungkol sa negosyo minsan ay maririnig mo ang salitang "Feasibility Study" sa tuwing sila ay busy sa kanilang mga homework. Ang Feasibility Study ay pag aaral ng posibilidad na pwede maging successful ang iyong negosyo kapag ito ay na itayo sa isang lugar at sa tamang panahon. Hindi nga naman feasible magtayo ng isang bar sa harap mismo ng simbahan at malapit pa sa iskwelahan, hindi rin naman feasible kung magtatayo ka ng sari-sari store sa isang malawak na disyerto at ikaw lang ang nakatira, dapat mag tatayo ka ng negosyo sa isang lugar na madali puntahan ng iyong customers at sila ay may mahigpit na pangangailangan ng iyong producto. Ganun din sa stock market, hindi sa lahat ng oras ay pwede bumili at mag benta ng stocks. Kung ikaw ay happy go lucky sa stock market, malamang ay makakabilang ka sa 80% ng mga taong parating nag sasayang ng pera sa market at nalulugi. Dapat may disiplina at basehan ang pag bili at pag benta ng stocks.
Sa mundo ng stock market at iba pang financial markets katulad ng currency exchange may dalawang popular na disiplina: Ang Technical Analysis at Fundamental Analysis. Nose bleed ka no? Pero promise madali lang maintindihan ang konsepto nito.
Ang Technical Analysis ay pag gamit ng stock market charts katulad ng Bar Charts,Japanese Candlesticks at Volume katulad ng larawan na nasa ibaba para malaman kung ano ang posibleng susunod na galaw ng isang stock.
Exhibit 1: Halimbawa ng Japanese Candlestick. Kaya Candlestick dahil kamukha ito ng isang kandila na may katawan at "wick" o yung tali kung saan sinisindihan. Kapag mas mataas ang presyo ng stock kaysa sa opening price nya sa isang araw ito ay kulay green, kung ang stock price naman ay mas mababa kaysa sa opening price ito ay red. Ang ibang detalye patungkol sa chart na ito ay mailalahad sa sasusunod na artikulo.

Exhibit 2: Halimbawa ng Bar Chart. Halos katulad ng Japanese Candlestick pero ito'y walang color coding. Ang linya sa kanan ay nagpapakita kung saan nag sara ang presyo ng stock ang linya naman sa kaliwa ng bar ay ang opening price. Tulad sa Japanese Candlestick ang pinaka mataass na point ang pianaka mataas na price ng araw na iyon ang pinaka ilalim naman ang pinaka mababang presyo sa naturang araw.
Exhibit 3: Halimbawa ng Volume na ginamit sa stock ng Lucio Tan Group noong Abril 2013. Kapag ang volume ay lalong tumataas ang habang umaakyat ang presyo, may mas malaking posibilidad na mas lalong tumaas ang presyo ng naturang stock. Kapag bumubulosk naman ang stock price at supportado ito ng pagtaas ng volume, ito a nagbibigay din ng senyales na maaring mas lalong bumaba ang presyo.
Isang halimbawa ng pag gamit ng stock market chart at volume para makaiwas sa pagkalugi ay ang Exhibit 4 sa baba. Dito makikita na ang stock price ng Bloomberry ay unti-unti bumabagsak mula buwan ng Abril 2012, pansin dito ang mga pulang candlesticks na nangangahulagan na maaring bumulosok ang presyo nito.
Exhibit 4: Halimbawa kung paano makaka iwas sa maling timing ng pagbili ng stocks gamit ang weekly Japanese Candlesticks sa BLOOM o Bloomberry na syang nag mamayari ng Solair Hotel and Casino.
Sa halimbawa naman na ito ay makikita ang green Japanese Candles ng Puregold (PGOLD) stock noong Enero, 2013 na nag bibigay posibilidad na tataas ng presyo ng stock na syang magandang panahon para bumili ng naturang stock.

Exhibit 5: Halimbawa ng tamang timing sa pag bili ng stock sa pamamagitan ng Japanese Candlesticks sa stock ng Puregold (PGOLD)
Ang Fundamental Analysis naman ay ang paggamit ng financial statement, marketing strategy at iba pang positibong pag babago na ipapatupad ng isang kompanya bilang basehan ng pagbili at pagbenta ng stocks. Naniniwala ang mga Fundamental Analyst na pag maganda ang kinikita ng isang kompanya at maganda ang takbo ng kabuuong ekonomiya, may mataas na posibilidad na tumaas ang presyo ng stocks. Isang halimbawa ng Financial Statement na ginagamit ng mga Fundamental Analyst ay makikita sa Exhibit 6 na nag papakita ng isang financial information ng Petron Corp. (PCOR). Ang financial statement ay maaring makita sa website ng Philippine Stock Exchange (www.pse.com.ph) o sa website ng iyong broker. Karaniwan ang tinitignan sa Financial Statement ay ang patuloy na pag taas ng kita ng kompanya. Ito ay malalaman sa pag susuri ng Net Income kung saan ito ang natitira mula sa Revenue nito (kabuuang kita mula sa pag bebenta ng produkto) ng isang kompanya pagkatapos mabayaran ang lahat ng obligasyon nito (hal. sweldo sa mga employado, bayad sa renta tubig, kuryente, atibp). Sabi ng isang experto sa stocks, ang isang kompanya na magandang bilhin ay dapat mayroong atleast 20% na pag taas ng Net Income kada taon. Isa pa dapat tignan sa isang Financial Statement ayon sa mga experto, ay ang Earnings Per Share na syang halaga ng kita kung ang ito ay ikakalat sa lahat ng outstanding stocks ng kompanya. Para maintindihan ang Earnings Per Share ganito ang formula nito: Net Income divided by Total Number of Shares ng Kompanya. Halimbawa kumita ang Petron ng 2.2 billion pesos noong 2012 tapos ang number of shares na mayroon ito ay 9 billion, ang earnings per share ay 0.24. Katulad ng Net Income, ay Earnings Per Share ay dapat patuloy ang pag taas nito at least 20% kada taon para masabing maganda bilhin ang isang stock. Bukod sa pag gamit ng Financial Statement, sinusuri rin ng mga Fundamental Analyst ang websites ng mga naturang kompanya para malaman kung may bago itong produkto na makakatulong sa pag lago ng revenue nito at sinusuri rin nila kung may mga inisyatibo pinapatupad ang mga nakakataas na opisyal ng kompanya para mapababa ang mga gastusin nito para mas malaki ang Net Income na maaring matagpuan sa company disclosures sa PSE website.
Exhibit 6: Halimbawa ng isang Financial Statement ng Petron kung saan pinapakita ang Net Income at iba pang pianansyal na impormasyon.
Exhibit 7: Halimbawa ng Company Disclosure na makikita sa PSE website. Ang mga kompanya naka lista sa Stock Exchange ay kailangan mag sumite ng kanilang pinansyal na impormasyon pati ang mga pinag usapan sa annual stock holder meeting.
Kung ako naman tatanungin kung ano dito ang mas epektibo, para sa akin mas mainam gamitin ang Technical Analysis para sa tamang timing ng pag bili at pag benta ng stocks dahil madalas na nangyayari na tumataas at bumaba ang stock price araw-araw na walang kadahilanan at kahit maganda ang financial performance ng isang kompanya ay bumabagsak pa rin ang stock price nito. Heto pa ang problema sa Fundamental Analysis, hindi araw-araw ang release ng financial statements at mahuhuli ka sa galaw ng presyo ng stocks dahil ito ay inilalabas tuwing sa kasunod ng buwan matapos ang isang quarter (Abril, Hulyo,Oktubre at Enero ng sumunod na taon para sa huling quarter). Isang halimbawa nito ay ang Exhibit 8 kung saan ang stock price ng East-West Bank ay bumabagsak sa kalagitnaan ng taong 2013 kahit ito ay mas mataas na net income sa naturang taon na iyon. Dahil dito ay nakakalito pag sabayin ang parehong disiplina.
Exhibit 8: Halimbawa na ang Fundamental perforamance ng isang kompanya ay hindi nag tratranslate sa stock price.
Ngayon ay hindi ka na nose bleed? Ganyan lang ka simple intindihan ang ilan sa mga termino sa Stock Market. Tandaan na ang Technical Analysis ay paggamit ng charts at Fundamental Analysis naman ay pag gamit ng financial statement at iba pang impormasyon na may kilalaman sa pag kita ng isang kompanya. Sa susunod na artikulo ay ituturo ko naman ang mga basics sa Technical Analysis na mag sisimula sa Japanese Candlesticks.
Disclaimer: Ang mga halimbawang charts at financial statement ay hango sa website ng COLFinancial. Ito ay ginamit para sa layunin maituro at maintindihan ang mga konsepto ng Stock Market.