#Bo Sanchez#Truly Rich Club
Members Church of God International o mas kilala bilang Ang Dating Daan ang aking relihiyon kinaaniban mula September 2004 hanggang January 2007.
PAALALA: Sa artikulong ito ay hindi ko intensyon na siraan o pasamaain ang sino man. Ang layunin ko sa pagsulat ng artikulong ito ay mag bahagi ng aking karanasan sa iba't ibang religious groups at magbigay palaisipan sa aking mga mambabasa.
"Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad." Mateo 10:8 -Ang Dating Bibilia
Sa kasulukuyan ay wala akong relihiyon kinaaniban, pero sa tuwing nag fifill out ako ng mga forms at iba pang paper works ay lagi ko sinusulat sa Religion Box o Field ay Roman Catholic dahil gusto ko iwasan ang mga walang kabuluhan na diskusyon patungkol sa relihiyon, sa tingin ko sa isang debateng pang relihiyon ay wala naman nanalo. Ang totoo isa akong free lancer o free thinker, personal ako naniniwala na may Dios pero ang dios na ito ay walang kinakampihan o pinapanigang relihiyon. Ngunit kahit ganito na aking disposition sa aking buhay may mga ilang aral o doktrina ng Ang Dating Daan ang aking pinapraktis katulad ng huling bahagi ng talata ng Mateo 10:8 "
tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad". Ang paulit-ulit na pag sabi ni Bro. Eli Soriano tuwing nag sisimula ang kanyang programang Ang Dating Daan ang isa sa mga bagay bakit ako nahikayat na sumali sa kanyang grupo noong ako'y 15 taon gulang. Bukod pa rito ay gusto ko ang kanyang ginagawa na pag expose sa katiwalaan ng iba't ibang relihiyon.
Ngunit sa pag lipas ng panahon na pamamalagi ko sa kanyang grupo ay nakita ko na wala rin sya pinag kaiba sa mga grupo na kanyang tinutuligsa. Sa una kapag ikaw dinodoktrinihan (pag aaral ng house rules sa Ang Dating Daan) ay may libre ka pang pagkain pero once na maging ganap na myembro ka na ito'y simula na ng inyong kalbaryo. In fairness sa Ang Dating Daan wala naman talagang pilitan pag dating sa abuluyan pero may mga pamamaraan sila na parang pinipilit ka pa rin mag bigay katulad ng pag-iyak ng kanilang mga manggagawa (counterpart ng Parish Priest sa Catholic Church) sa pulpito kesyo nakakaawa na daw si Kapatid na Eli at si Kapatid na Daniel Razon (yung successor ni Eli Soriano in case na mamatay sya at pamangkin nya) kesyo baon na daw sila sa utang, marami daw kaso (dahil maraming libel cases na isinampa ng kanilang nemesis- Iglesia ni Cristo) at marami daw pinagkakagastuhan ang Church nila like mga orphanages,broadcast at iba pa. Kung ikaw ay isang single at may trabaho madalas pang nagiging systema sa kanila ang tukahan ka o tatakdaan ka ng pinansyal na obligasyon (around 2,000 pesos per month), kasi ang mga opisyales ng mga lokal (similar sa parokya ng Catholic Church) ay pinepresure ng pangasiwaan ng Ang Dating Daan na ma hit ang mga financial goals nila. Bukod pa sa usaping pinansyal ay may mga pagkakataon pag ikaw ay kabataan ay oobligahin ka na pumunta sa Apalit, Pampanga upang ikaw ay mag linis ng kanilang headquarters pagkatapos ng pasalamat at mag iistay ka doon for 2 days, masakit pa dito ay hindi pa nila sagot ang iyong pamasahe! Out of pocket ka pa! Pwede naman hindi sumama pero magkakasamaan kayo ng loob ng youth officer na inyong lokal. Ang masakit pa dito kapag ikaw ay kabataan ay bawal ka makipag kasintahan kahit wala naman kayo ginagawang mga bagay na sekswal. Naalala ko pa, kapag may pa concert ang mga manggagawa o si Bro. Eli Soriano mismo at tyempong may trabaho ka ikaw ay babagsakan ng ticket na nag kakahalaga mula 200-600 pesos, kahit hindi ka sumama ehh mapipilitan ka pa rin bumili ng ticket. Dahil sa mga kontradiksyon at super conservatism ng Ang Dating Daan ay nag desisyon ako layasan sila noong 2007.
Naging active ako sa The Feast (Officially Light of Jesus ang kanilang pangalan) sa PICC mula 2013 hanggang 2014.
Mga ilang buwan lumipas pagkatapos ko umalis sa Ang Dating Daan ay nagpasya ako bumalik sa kinagisnan kong relihiyon- Ang Roman Catholic Church. Masaya naman ang pagbabalik Katoliko ko pero nababahala ako sa mga ilang galaw ng Vatican gaya na lamang ng pag iwas nila sa responsibilidad sa mga nabiktima ng rape at sexual harassment ng kanilang mga pari. Imbis na parusahan ang mga pari ay inililipat lang ito ng ibang parokya. Fast forward to 2009 ay na encounter ko naman ang Light of Jesus o mas kilala sa kanilang weekly worship service na "The Feast" na pinamumunuan ni Bo Sanchez na isang Catholic Charismatic Group. Hindi sila separate na religious group katulad ng Ang Dating Daan ngunit sila ay similar sa El Shadai na nag papasakop pa rin sa Catholic Church pero may kakaiba lang sila paraan ng pag samba sa Dios. Ang isa sa kanyang mga speakers na si Alvin Barcelona ang aking unang nakilala noong ako'y umattend ng retreat sa dati kong pinag tratrabahhohan at madalas nya mabanggit si Bo Sanchez sa nasabing retreat. Lumipas ang ilang taon ng ako'y malipat ng trabaho sa isang bangko ay nakabili ako ng libro ni Bo Sanchez na may title na 8 Secrets of Truly Rich. Maganda at convincing ang pagkasulat ni Bo, talagang may katuturan. Na basa ko rin yung My Maid Invests in Stock Market na syang tuwang tuwa ako sa paraan ng kanyang pagpapaliwanag ng Stock Market sa plain English language at iba't iba pang libro na tumatalakay sa buhay ispiritual. Dahil dito ay nagbalik ang tiwala ko sa Simbahang Katoliko at nag simula ako umattend sa kanyang weekly feast noong 2013 hanggang 2014 at madalas ang kanyang mga talks ay patungkol sa Finance at praktikal na pakikisalamuha sa ibang tao. Ok sana si Bo Sanchez ngunit may mga bagay na duda ako, isa dito ay ang Truly Rich Club nya. Maganda ang layunin ng Truly Rich Club ni Bo dahil sila ay nag bibigay ng stock market tips para mapalago ang iyong pera. Mukhang credible at effective din ang kanilang SAM (Strategic Averaging Method) strategy na halatang denesign ng mga taga COL Financial dahil yung isa sa mga speakers nya ay isang broker mismo ng COL. Kaya hindi nakakapag tataka na ganun ka sophisticated ang mga buy and sell recommendations nila ng mga Sapi. Isa pa sa mga bagay na napuna ko ay ang pagkontra ni Bo Sanchez sa sarili nya (para lang si Eli Soriano na may kontradiskyon) patungkol sa pag tratrade. Sabi nya ang mga ordinaryong tao daw ay hindi dapat aktibo sa pangangalakal ng Sapi kundi bagkos ay mag invest o sa madaling salita ay bumili ng Sapi at hawakan ito sa loob sampu o dalawampung taon. Malinaw na kinontra naman ito ng isa nya pang libro na pinamagatang The Turtle Always Win noong inintroduce nya ang SAM na nagdidikta sa mas aktibong pangangalakal ng Sapi sa pamamagitan ng tamang timing sa pag bili at pag benta sa tulong ng kanilang mga target prices sa mga napili nilang kompanya sa Philippine Stock Exchange. Ito ay maliwanag na kontradiksyon. Ang pinaka nakakabahala ay may bayad pa ang pag sali sa Truly Rich Club. Iba-iba ang kanilang membership fees meron 500 per month hanggang sa may 1,000 plus per month kung gusto mo maging gold member. Granting the fact na effective ang SAM ng Truly Rich Club pero nan dyan pa rin ang katotohanan na may bayad ito na syang dahilan ng aking pagkaduda kung malinis talaga ang intensyon ni Bo Sanchez at kung seryoso ba sya sa pagiging Kristyano. Kung talagang kumikita ka sa stocks at sobra-sobra ang pera mo at talagang totoo at malinis ang hangarin mo makatulong dapat ibigay mo ang stock tips mo ng libre. Sabi nga ni Kristo na sinunosunod nya sa Bibilia "tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad". -Mateo 10:8.
Dahil sa mga karanasan ko na ito sa iba't ibang religious groups na nangangaral at nag claclaim na tinutulungan at ginagabayan daw sila ng Dios, sila daw ay labis na pinagpapala ngunit sa usaping pananalapi ay mukhang kinakapos sila at kailangan pa gumawa ng mga pakulo. Sa tingin ko walang pinagkaiba si Bro. Eli Soriano at si Bro. Bo Sanchez, spelling lang siguro ng pangalan?
Religous journey mo pre? Gusto mo lng naman mag attend ng the Feast dahil sa financial advice ni Bo Sanchez pero hypocrite ka tol! Hindi mo sinasapuso ang ibang mga aral ni Bo Sanchez dahil isa kang mayabang na tao! Ubod ng yabang at hindi mo matanggap na may deperensya ka sa mata na kamukha mo si Quasimodo! Imulat mo nga ang sarili mo sa katotohanan... HYPOCRITE ka! May Dyos ka ba or ang Dyos mo sarili mo? Mag jakol ka n lng! Pangit mo tol! Kamukha mo si Aiza Siguerra at Arnold Clavio! buhahahahaha
ReplyDeletePaps dalo ka sa pamamahayag ng INC, tutal parang nagreresearch ka eh. Suggestion lng
ReplyDeleteAng kawayan tutubo yan ng pagka taas.... Gaano katagal ang pagtubo hanggang sa pagtaas nyang bigla? 5-7 months. Pero ang paglabas nya mula sa lupa? 5 taon...
ReplyDeleteDapat sana pinatagalan mo pa ang pag masid sa dating daan at sa Feast. Masasagot mo bah ng derechahan kng saan talaga napunta ang pera nila? o baka hanggang speculation ka lang? Ano ang mga ministry sa labas ng dating daan o sa Feast ang tinutulungan nila? Baka kukulangin ang 2 years given na may ibat-ibang proceso ang pagpa myembro ng bawat grupo.
Example lang ito ha, Si Juan ay bibigyan ng ticket, round trip plane ticket, manila-hongkong-japan-france-manila na LIBRE. Si Maria ay nabigyan din ng parehong ticket, pero nag bayad cya ng 500. Pareho silang nag kape at sa di inaasahang sitwasyon, parehong nabasa ang ticket ng kape at di na pwedeng magagamit. Sa tingin mo sino ang mas may emotional attachment? ang na libre o ang nag bayad? Sino kaya ang mas mag bibigay ng halaga? si juan na libre lang? or ang nag bayad na si Maria?
kung mag join ka sa TRC, dapat aktibo ka sa stock market,pero kung ang 500 or 1000 na fee sa TRC ay medyo mabigat sayo buwan-buwan, i try mo kayang i compare yan sa mga na earn mo dahil nasa stocks kah?
Again, mas maganda siguro kung tagalan mo pah ang join sa Dating Daan at sa Feast, kasi sa bf-gf nga, kelangan ng paghinog ng panahon para mas ma unawa-an ang isat-isa