Thursday, October 1, 2015

Mag Isip Muna ng Mabuti bago Mag Invest sa Isang Mutual Fund

Ito'y babala sa pagpili ng Mutual Fund o kahit anong investment
Ang Chart na makikita nyo sa itass ay ang pag subaybay sa advise na buying point ni AlexOnze noong September 9th,2015 hanggang sa bumagsak ang presyo ng 2GO sa 7.90 pesos per share noong September 30th, 2015. 

PAALALA: Ang artikulong ito ay hindi nag lalayun siraan ang sinoman na mababangit. Ito'y nagsisilbing babala para sa lahat na gusto maging Quick Rich sa pamamagitan ng Mutual Fund na hindi lisyensyado sa ilalim ng Philippine Stock Exchange o Securities Exchange Comission. 

                   "The game of speculation is the most uniformly fascinating game in the world. But it is not a game for the stupid, the mentally lazy, the person of inferior emotional balance, or the GET RICH QUICK adventurer. They will DIE POOR." -Jesse Livermore, Stock Market Legend 


                     Gaya ng sinabi ni Jesse Livermore na isa sa mga pinaka successful stock trader sa buong mundo na nag simula lang sa kapital na $10,000; ang mga taong gusto ng biglang yaman sa pangangalakal ng Sapi sa Stock Market ay mamatay ng mahirap. Oo, maaring kumikita sila ng malaki ngayon pero ang sobrang bilis na pag yaman ay madalas ay hindi sustainable gaya na lamang na nakita natin sa mga iba't ibang pyramiding scams at mga pakulo ng mga nagpapakilalang Multi Level Marketing. Ika nga patikim lang sa umpisa. Hindi ligtas ang stock market natin sa mga ganitong pakulo, may posibilidad na may tao o grupo ng mga tao na pwedeng mag tatag kunwaring "Mutual Fund" at mangangako ng malakiang pagkita. Ang delikado pa dito ay hindi pa sila lisensyado ng Securities Exchange Commission at hindi pa autorizado ng Philippine Stock Exchange. Sabi nga ng mga experto sa pananalapi dapat mag iinvest ka sa isang lehitomong institusyon na talagang rehistrado at awtorizado ng ating pamahalaan upang ikaw ay ma proteksyonan kung sakaling may hindi kanais nais na pangyayari ang dumating. 

                      Isa sa mga kaibigan ko sa The Global Filipino Investors ang nagpakita sa akin ng isang FB Page na talagang nabahala ako noong aking siniyasat. Itong page na ito ay tinatawag na: Alexonze Income / Finance / Investment / Business / Self Improvement. Sa unang tingin akala ko magkaparehas kami ng advocacia na syang pag papalaganap ng kaalaman at pagkaunawa sa ating Pambansang Pamilihang Sapi (Philippine Stock Exchange). Ngunit pinanonood ko ang ilan sa kanyang mga videos at binasa ko rin ang kanyang mga posts, aking napag alaman ay sya pala ay nangangalap ng pondo para sa kanyang "Mutual Fund". Nadiskobre ko rin na sya ay nag ooffer ng Financial Advise para mangalakal ng sapi na walang ginagamit na Fundamental o Technical Analysis. Para sa kanya ang mga ganung Analyses ay isang kalokohan at meron daw syang technique paano kumita na sasabihin nya lang kung lalakihan mo ang donasyon mo sa kanya. Doon pa lang ay red flag na sa akin yun, dahil kung talagang kumikita ka sa pangangalakal ng sapi ehh hindi dapat sya nag papa bayad for advise. Isa pang bagay na nakakabahala ay hindi sya lisensyado ng PSE o ng SEC para mag operate ng isang Equity Fund (isang uri ng mutual fund na naka focus sa pangangalakal ng sapi). Hindi basta basta ang pag ooperate ng mutual fund kahit sabihin mong pribado ito the fact na 20 katao ang kanyang target na initial investors. Ang delikado pa dito ay pag ikaw ay mag dedeposit sa kanyang mutual fund ay ito'y ilalagay sa kanyang PERSONAL bank account at hindi sa isang institutional account na gaya ng mga lehitimong mutual o equity funds. 

                        Sabihin na natin fool proof ang kanyang mga advise at trading tactics, pero napansin ko may isa syang stock tip na hindi nangyari noong sinabi nya "QUICK TIPS QUICK TIPS QUICK TIPS!!!! Mga repapitz na may COL na GOOD to buy yung 2GO na stocks between 8.00 to 8.40 per share kahit nga yung 8.60 per share panalo yon!!! kundi now din within a week mabebenta nyo to sa mas mahal ng price! ". Kung susundin natin ang kanyang advise, makikita sa chart na mas lalong bumaba ang stock price ng 2GO na nag mula sa closing  na presyo nito noong September 9th na 8.65 at nag sara ito sa 8.50 noong Biyernes September 11th ito ay taliwas sa sinabi nyang "within a week" ito ay aakyat sa mas mataas na presyo. Makikita na may -1.73% loss kung sakto mo binili ito mula sa closing price. Sabihin na natin binili ko sa average price nya noong September 9th mula sa mataas hanggang sa pinakamababang presyo na inabot nya na syang 8.72 (High Price na 8.79 plus Low Price na 8.50 divided by 2) ito'y mas malaki pang loss na syang -2.52%!

     
                  
     Isa mga Stock "TIP" na binigay ni Alexonze noong September 9th, 2015 na hindi natupad.


                           Sa ganitong pagkakataon na isang price forecast ay hindi suportado ng Technical o Fundamental Analysis at lalo na sumablay pa ay nakakapag duda talaga.  Heto pa ang isa nya pang claim  para sa kanyang Mutual Fund: "Pinaka mababa kulelat at pinaka tangang diskarte at kita sa araw-araw ay P1,000 times 20 days trading time so sa loob ng one month may 20k tyong paghahatian" Mukhang mas nakakapangduda talaga ang pahayag na ito dahil ang mismong mga pinakamagaling sa larangan ng pangangalakal ng Sapi katulad ni Jesse Livermore at George Soros ay nababawasan ng pera sa mga talo. Kahit sila na ay beterano ay may mga pagkakataon sila ay nagkakamali ng price forecast at nalulugi ng bahagya. Mukhang imposible siguro na isang bagohan na tulad ni Alex Onze na isang taon pa lang sa pangangalakal ay 1,000 per day ang pinaka "tanga" nyang diskarte. Maaring nagagawa nya ito sa ngayon pero ako ay duda na masustain nya ito.


                                Makikita sa screenshot na ito ang kanyang pangako na pinaka 
                                kulelat nyang kita sa isang araw ay 1,000 pesos.  




                      
                         Kayo na bahala humusga kung gusto nyo ipag sapalaran ang salapi ninyo sa mutual fund ni Alex Onze. Personally hindi ako against sa kanya I think sya ay isang taong marangal,masipag, madiskarte at matulungin sa kapwa ngunit regardless of his good intentions ay nag dududa pa rin ako dahil sa mga bagay na aking  nabangggit.


Lahat ng Charts na ginagamit sa blog na ito ay pag mamayari ng COL Financial.

#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Japanese Candlesticks #Wise Investment

2 comments:

  1. Paano po ito mapipigilan?kasi po ang dami nahihikayat?

    ReplyDelete
  2. Face Validity pa lang bagsak na... dapat Ipatokhng yan

    ReplyDelete