Thursday, October 8, 2015

Stock Market Tutorial #8: Japanese Candlesticks Signals Continuation Patterns Part 2

Itong video na ito ay tumatalakay sa mag iba't iba pang mga Japanese Candlesticks Continuation Patterns #Japanese Candlestick#Investment #Philippine Stock Exchange #Technical Analysis

Itong video na ito ay karugtong ng na una kong video patungkol sa mga Japanese Candlesticks Continuation Patterns.

 #Japanese Candlestick #Philippine Investment #Trading

Saturday, October 3, 2015

Mula Ang Dating Daan Hanggang Truly Rich Club- Ang Aking Religious Journey

Heto ang aking pagbabahagi ng aking karanasan sa pagiging myembro sa samahan ni Bro. Eli Soriano at ni Bro. Bo Sanchez
#Bo Sanchez#Truly Rich Club

         Members Church of God International o mas kilala bilang Ang Dating Daan ang aking relihiyon kinaaniban mula September 2004 hanggang January 2007.

PAALALA: Sa artikulong ito ay hindi ko intensyon na siraan o pasamaain ang sino man. Ang layunin ko sa pagsulat ng artikulong ito ay mag bahagi ng aking karanasan sa iba't ibang religious groups at magbigay palaisipan sa aking mga mambabasa.

 "Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad." Mateo 10:8 -Ang Dating Bibilia


                Sa kasulukuyan ay wala akong relihiyon kinaaniban, pero sa tuwing nag fifill out ako ng mga forms at iba pang paper works ay lagi ko sinusulat sa Religion Box o Field ay Roman Catholic dahil gusto ko iwasan ang mga walang kabuluhan  na diskusyon patungkol sa relihiyon, sa tingin ko sa isang debateng pang relihiyon ay wala naman nanalo.  Ang totoo isa akong free lancer o free thinker, personal ako naniniwala na may Dios pero ang dios na ito ay  walang kinakampihan o pinapanigang relihiyon.  Ngunit kahit ganito na aking disposition sa aking buhay may mga ilang aral o doktrina ng Ang Dating Daan ang aking pinapraktis katulad ng huling bahagi ng talata ng Mateo 10:8 "
tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad". Ang paulit-ulit na pag sabi ni Bro. Eli Soriano tuwing nag sisimula ang kanyang programang Ang Dating Daan ang isa sa mga bagay bakit ako nahikayat na sumali sa kanyang grupo noong ako'y 15 taon gulang. Bukod pa rito ay gusto ko ang kanyang ginagawa na pag expose sa katiwalaan ng iba't ibang relihiyon. 

                Ngunit sa pag lipas ng panahon na pamamalagi ko sa kanyang grupo ay nakita ko na wala rin sya pinag kaiba sa mga grupo na kanyang tinutuligsa. Sa una kapag ikaw dinodoktrinihan (pag aaral ng house rules sa Ang Dating Daan) ay may libre ka pang pagkain pero once na maging ganap na myembro ka na ito'y simula na ng inyong kalbaryo. In fairness sa Ang Dating Daan wala naman talagang pilitan pag dating sa abuluyan pero may mga pamamaraan sila na parang pinipilit ka pa rin mag bigay katulad ng pag-iyak ng kanilang mga manggagawa (counterpart ng Parish Priest sa Catholic Church) sa pulpito kesyo nakakaawa na daw si Kapatid na Eli at si Kapatid na Daniel Razon (yung successor ni Eli Soriano in case na mamatay sya at pamangkin nya) kesyo baon na daw sila sa utang, marami daw kaso (dahil maraming libel cases na isinampa ng kanilang nemesis- Iglesia ni Cristo) at marami daw pinagkakagastuhan ang Church nila like mga orphanages,broadcast at iba pa. Kung ikaw ay isang single at may trabaho madalas pang nagiging systema sa kanila ang tukahan ka o tatakdaan ka ng pinansyal na obligasyon (around 2,000 pesos per month), kasi ang mga opisyales ng mga lokal (similar sa parokya ng Catholic Church) ay pinepresure ng pangasiwaan ng Ang Dating Daan na ma hit ang mga financial goals nila. Bukod pa sa usaping pinansyal ay may mga pagkakataon pag ikaw ay kabataan ay oobligahin ka na pumunta sa Apalit, Pampanga upang ikaw ay mag linis ng kanilang headquarters pagkatapos ng pasalamat at mag iistay ka doon for 2 days, masakit pa dito ay hindi pa nila sagot ang iyong pamasahe! Out of pocket ka pa! Pwede naman hindi sumama pero magkakasamaan kayo ng loob ng youth officer na inyong lokal. Ang masakit pa dito kapag ikaw ay kabataan ay bawal ka makipag kasintahan kahit wala naman kayo ginagawang mga bagay na sekswal. Naalala ko pa, kapag may pa concert ang mga manggagawa  o si Bro. Eli Soriano mismo at tyempong may trabaho ka ikaw ay babagsakan ng ticket na nag kakahalaga mula 200-600 pesos, kahit hindi ka sumama ehh mapipilitan ka pa rin bumili ng ticket. Dahil sa mga kontradiksyon at super conservatism ng Ang Dating Daan ay nag desisyon ako layasan sila noong 2007. 
 Naging active ako sa The Feast (Officially Light of Jesus ang kanilang pangalan) sa PICC mula 2013 hanggang 2014.

                 Mga ilang buwan lumipas pagkatapos ko umalis sa Ang Dating Daan ay nagpasya ako bumalik sa kinagisnan kong relihiyon- Ang Roman Catholic Church. Masaya naman ang pagbabalik Katoliko ko pero nababahala ako sa mga ilang galaw ng Vatican gaya na lamang ng pag iwas nila sa responsibilidad sa mga nabiktima ng rape at sexual harassment ng kanilang mga pari. Imbis na parusahan ang mga pari ay inililipat lang ito ng ibang parokya. Fast forward to 2009 ay na encounter ko naman ang Light of Jesus o mas kilala sa kanilang weekly worship service na "The Feast" na pinamumunuan ni Bo Sanchez na isang Catholic Charismatic Group. Hindi sila separate na religious group katulad ng Ang Dating Daan ngunit sila ay similar sa El Shadai na nag papasakop pa rin sa Catholic Church pero may kakaiba lang sila paraan ng pag samba sa Dios. Ang isa sa kanyang mga speakers na si Alvin Barcelona ang aking unang nakilala noong ako'y umattend ng retreat sa dati kong pinag tratrabahhohan at madalas nya mabanggit si Bo Sanchez sa nasabing retreat. Lumipas ang ilang taon ng ako'y malipat ng trabaho sa isang bangko ay nakabili ako ng libro ni Bo Sanchez na may title na 8 Secrets of Truly Rich. Maganda at convincing ang pagkasulat ni Bo, talagang may katuturan. Na basa ko rin yung My Maid Invests in Stock Market na syang tuwang tuwa ako sa paraan ng kanyang pagpapaliwanag ng Stock Market sa plain English language at iba't iba pang libro na tumatalakay sa buhay ispiritual. Dahil dito ay nagbalik ang tiwala ko sa Simbahang Katoliko at nag simula ako umattend sa kanyang weekly feast noong 2013 hanggang 2014 at madalas ang kanyang mga talks ay patungkol sa Finance at praktikal na pakikisalamuha sa ibang tao. Ok sana si Bo Sanchez ngunit may mga bagay na duda ako, isa dito ay ang Truly Rich Club nya. Maganda ang layunin ng Truly Rich Club ni Bo dahil sila ay nag bibigay ng stock market tips para mapalago ang iyong pera. Mukhang credible at effective din ang kanilang SAM (Strategic Averaging Method) strategy na halatang denesign ng mga taga COL Financial dahil yung isa sa mga speakers nya ay isang broker mismo ng COL. Kaya hindi nakakapag tataka na ganun ka sophisticated ang mga buy and sell recommendations nila ng mga Sapi. Isa pa sa mga bagay na napuna ko ay ang pagkontra ni Bo Sanchez sa sarili nya (para lang si Eli Soriano na may kontradiskyon)  patungkol sa pag tratrade. Sabi nya ang mga ordinaryong tao daw ay hindi dapat aktibo sa  pangangalakal ng Sapi kundi bagkos ay mag invest o sa madaling salita ay bumili ng Sapi at hawakan ito sa loob sampu o dalawampung taon. Malinaw na kinontra naman ito ng isa nya pang libro na pinamagatang The Turtle Always Win noong inintroduce nya ang SAM na nagdidikta sa mas aktibong pangangalakal ng Sapi  sa pamamagitan ng tamang timing sa pag bili at pag benta sa tulong ng kanilang mga target prices sa mga napili nilang kompanya sa Philippine Stock Exchange. Ito ay maliwanag na  kontradiksyon. Ang pinaka nakakabahala ay may bayad pa ang pag sali sa Truly Rich Club. Iba-iba ang kanilang membership fees meron 500 per month hanggang sa may 1,000 plus per month kung gusto mo maging gold member. Granting the fact na effective ang SAM ng Truly Rich Club pero nan dyan pa rin ang katotohanan na may bayad ito na syang dahilan ng aking   pagkaduda kung malinis talaga ang intensyon ni Bo Sanchez at kung seryoso ba sya sa pagiging Kristyano. Kung talagang kumikita ka sa stocks at sobra-sobra ang pera mo at talagang totoo at malinis ang hangarin mo makatulong dapat ibigay mo ang stock tips mo ng libre. Sabi nga ni Kristo na sinunosunod nya sa Bibilia "tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad". -Mateo 10:8.  

                      Dahil sa mga karanasan ko na ito sa iba't ibang religious groups na nangangaral at nag claclaim na tinutulungan at ginagabayan daw sila ng Dios, sila daw ay labis na pinagpapala ngunit sa usaping pananalapi ay mukhang kinakapos sila at kailangan pa gumawa ng mga pakulo. Sa tingin ko walang pinagkaiba si Bro. Eli Soriano at si Bro. Bo Sanchez, spelling lang siguro ng pangalan?




                                

Friday, October 2, 2015

Stock Market Tutorial #7: Japanese Candlesticks Signals- Continuation Patterns Part 1

Ang video na ito ay tumatalakay sa mga Japanese Candlesticks Continuation Patterns upang makahabol sa nag sisimula ng Uptrend o para malaman kung hindi pa tamang oras bumili ng sapi kung downtrend. #Japanese Candlesticks


May mga pagkakataon ba na pag iwanan ka ng lipad ng isang partikular na stock at nanlulumo ka sa panghihinayang? Wag mawalan ng pag asa dahil sa video na ito ay ipapakita sa inyo ang mga Japanese Candlesticks Continuation Patterns na pwede magamit sa paghabol ng uptrend at pag iwas sa downtrend ng mga sapi(stocks).
#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Japanese Candlesticks #ABS-CBN Stocks #ABS

Thursday, October 1, 2015

Interbyu kay Alexander Carlos aka "Alex Onze"

Interbyu Kay Alex Onze. Magsilbing ito sana babala mula sa mga nag lipanang "Mutual Funds" na hindi naman lisensyado. #MutualFund
Ang video na ito ay ang aking panayam kay Alexander Carlos na ngayon ay sumisikat dahil sa kanyang Alex Onze Mutual Fund Page. Kayo na bahala humusga kung sya ba ay credible na humawak at magpalago ng inyong salapi.#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Wise Investment

Mag Isip Muna ng Mabuti bago Mag Invest sa Isang Mutual Fund

Ito'y babala sa pagpili ng Mutual Fund o kahit anong investment
Ang Chart na makikita nyo sa itass ay ang pag subaybay sa advise na buying point ni AlexOnze noong September 9th,2015 hanggang sa bumagsak ang presyo ng 2GO sa 7.90 pesos per share noong September 30th, 2015. 

PAALALA: Ang artikulong ito ay hindi nag lalayun siraan ang sinoman na mababangit. Ito'y nagsisilbing babala para sa lahat na gusto maging Quick Rich sa pamamagitan ng Mutual Fund na hindi lisyensyado sa ilalim ng Philippine Stock Exchange o Securities Exchange Comission. 

                   "The game of speculation is the most uniformly fascinating game in the world. But it is not a game for the stupid, the mentally lazy, the person of inferior emotional balance, or the GET RICH QUICK adventurer. They will DIE POOR." -Jesse Livermore, Stock Market Legend 


                     Gaya ng sinabi ni Jesse Livermore na isa sa mga pinaka successful stock trader sa buong mundo na nag simula lang sa kapital na $10,000; ang mga taong gusto ng biglang yaman sa pangangalakal ng Sapi sa Stock Market ay mamatay ng mahirap. Oo, maaring kumikita sila ng malaki ngayon pero ang sobrang bilis na pag yaman ay madalas ay hindi sustainable gaya na lamang na nakita natin sa mga iba't ibang pyramiding scams at mga pakulo ng mga nagpapakilalang Multi Level Marketing. Ika nga patikim lang sa umpisa. Hindi ligtas ang stock market natin sa mga ganitong pakulo, may posibilidad na may tao o grupo ng mga tao na pwedeng mag tatag kunwaring "Mutual Fund" at mangangako ng malakiang pagkita. Ang delikado pa dito ay hindi pa sila lisensyado ng Securities Exchange Commission at hindi pa autorizado ng Philippine Stock Exchange. Sabi nga ng mga experto sa pananalapi dapat mag iinvest ka sa isang lehitomong institusyon na talagang rehistrado at awtorizado ng ating pamahalaan upang ikaw ay ma proteksyonan kung sakaling may hindi kanais nais na pangyayari ang dumating. 

                      Isa sa mga kaibigan ko sa The Global Filipino Investors ang nagpakita sa akin ng isang FB Page na talagang nabahala ako noong aking siniyasat. Itong page na ito ay tinatawag na: Alexonze Income / Finance / Investment / Business / Self Improvement. Sa unang tingin akala ko magkaparehas kami ng advocacia na syang pag papalaganap ng kaalaman at pagkaunawa sa ating Pambansang Pamilihang Sapi (Philippine Stock Exchange). Ngunit pinanonood ko ang ilan sa kanyang mga videos at binasa ko rin ang kanyang mga posts, aking napag alaman ay sya pala ay nangangalap ng pondo para sa kanyang "Mutual Fund". Nadiskobre ko rin na sya ay nag ooffer ng Financial Advise para mangalakal ng sapi na walang ginagamit na Fundamental o Technical Analysis. Para sa kanya ang mga ganung Analyses ay isang kalokohan at meron daw syang technique paano kumita na sasabihin nya lang kung lalakihan mo ang donasyon mo sa kanya. Doon pa lang ay red flag na sa akin yun, dahil kung talagang kumikita ka sa pangangalakal ng sapi ehh hindi dapat sya nag papa bayad for advise. Isa pang bagay na nakakabahala ay hindi sya lisensyado ng PSE o ng SEC para mag operate ng isang Equity Fund (isang uri ng mutual fund na naka focus sa pangangalakal ng sapi). Hindi basta basta ang pag ooperate ng mutual fund kahit sabihin mong pribado ito the fact na 20 katao ang kanyang target na initial investors. Ang delikado pa dito ay pag ikaw ay mag dedeposit sa kanyang mutual fund ay ito'y ilalagay sa kanyang PERSONAL bank account at hindi sa isang institutional account na gaya ng mga lehitimong mutual o equity funds. 

                        Sabihin na natin fool proof ang kanyang mga advise at trading tactics, pero napansin ko may isa syang stock tip na hindi nangyari noong sinabi nya "QUICK TIPS QUICK TIPS QUICK TIPS!!!! Mga repapitz na may COL na GOOD to buy yung 2GO na stocks between 8.00 to 8.40 per share kahit nga yung 8.60 per share panalo yon!!! kundi now din within a week mabebenta nyo to sa mas mahal ng price! ". Kung susundin natin ang kanyang advise, makikita sa chart na mas lalong bumaba ang stock price ng 2GO na nag mula sa closing  na presyo nito noong September 9th na 8.65 at nag sara ito sa 8.50 noong Biyernes September 11th ito ay taliwas sa sinabi nyang "within a week" ito ay aakyat sa mas mataas na presyo. Makikita na may -1.73% loss kung sakto mo binili ito mula sa closing price. Sabihin na natin binili ko sa average price nya noong September 9th mula sa mataas hanggang sa pinakamababang presyo na inabot nya na syang 8.72 (High Price na 8.79 plus Low Price na 8.50 divided by 2) ito'y mas malaki pang loss na syang -2.52%!

     
                  
     Isa mga Stock "TIP" na binigay ni Alexonze noong September 9th, 2015 na hindi natupad.


                           Sa ganitong pagkakataon na isang price forecast ay hindi suportado ng Technical o Fundamental Analysis at lalo na sumablay pa ay nakakapag duda talaga.  Heto pa ang isa nya pang claim  para sa kanyang Mutual Fund: "Pinaka mababa kulelat at pinaka tangang diskarte at kita sa araw-araw ay P1,000 times 20 days trading time so sa loob ng one month may 20k tyong paghahatian" Mukhang mas nakakapangduda talaga ang pahayag na ito dahil ang mismong mga pinakamagaling sa larangan ng pangangalakal ng Sapi katulad ni Jesse Livermore at George Soros ay nababawasan ng pera sa mga talo. Kahit sila na ay beterano ay may mga pagkakataon sila ay nagkakamali ng price forecast at nalulugi ng bahagya. Mukhang imposible siguro na isang bagohan na tulad ni Alex Onze na isang taon pa lang sa pangangalakal ay 1,000 per day ang pinaka "tanga" nyang diskarte. Maaring nagagawa nya ito sa ngayon pero ako ay duda na masustain nya ito.


                                Makikita sa screenshot na ito ang kanyang pangako na pinaka 
                                kulelat nyang kita sa isang araw ay 1,000 pesos.  




                      
                         Kayo na bahala humusga kung gusto nyo ipag sapalaran ang salapi ninyo sa mutual fund ni Alex Onze. Personally hindi ako against sa kanya I think sya ay isang taong marangal,masipag, madiskarte at matulungin sa kapwa ngunit regardless of his good intentions ay nag dududa pa rin ako dahil sa mga bagay na aking  nabangggit.


Lahat ng Charts na ginagamit sa blog na ito ay pag mamayari ng COL Financial.

#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Japanese Candlesticks #Wise Investment

Stock Market Tutorial: BIlang Ayoda sa Lesson Number 6

Itong video na ito'y gabay sa pag guhit ng support at resistance lines
Sa bagong video na upload ng Pinoy Stock Exchange ay ipapakita kung paano gumuhit ng Support at Resistance Lines at kung paano rin gumuhit ng mga trend lines. I-click link lang ang page sa baba para mapanood ang nasabing video.

#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Japanese Candlesticks #COL Financial Chart Guide

Stock Market Tutorial #6: Support at Resistance (Tagalized)

Itong video na ito ay nagtuturo kung ano nga ba ang Support at Resistance Lines.
Nanonose bleed ka ba kapag nakakarinig o nakakabasa ng mga salitang "Support" at "Resistance"? Sa  video na bagong upload ng Pinoy Stock Exchange ay ipapaliwanag ang kahulugan ng mga nabanggit na termino sa sarili nating wika at paano ito makakatulong sa pangangalakal ng Sapi sa Philippine Stock Exchange.

#PhilippineStockExchange #StockMarket #Technical Analysis #Japanese Candlesticks #Western Technical Analysis