Bago tayo mag patuloy sa pag talakay ng mga iba't ibang klaseng Japanese Candlestick Formation, gusto ko lang sumegway saglit sa pamamagitan ng pag papaumanhin sa hindi pag publish nito noong nakaraang buwan. Pasensya na kung ngayon Abril ko lang ito na publish dahil ako'y naging abala sa iba't ibang gawain patungkol sa isa ko pang negosyo at pag sasaayos ng aking ispirtwal na buhay. Sa mga lingong hindi ako nakapag sulat sa blog na ito, aking natutunan na isa pa lang moral obligation sa Dios ang pagiging mayaman. Marami sa atin takot yumaman dahil sa maraming kadahilanan katulad ng takot sa pagkawasak ng pamilya, pagkalulong sa bisyo, pagiging mainit sa mata ng kawatan, at iba pa. Pero ito pala'y kagustuhan ng Dios, kagustuhan nya pala tayo yumaman para hindi sa pansariling kaligayahan kundi bagkus para magamit ito sa pag lilingkod sa kapwa. Hindi pwede puro moral support lang maibibigay mo sa isang kamag anak o kaibigan na kailangan ng pera para maisugod sa ospital, hindi rin pwede sabihin mo lang "kaya mo yan o push mo yan" ang isang kaibigan na nangangailangan ng pera para maitayo ulit ang bahay na nasunog o naguho dahil sa natural na sakuna. Hindi maiiwasan na kailangan talaga tayo tumulong pinansyal para masolusyonan ang problema ng ibang tao. Dahil dito mas kailangan natin mag pursigi humanap ng paraan para yumaman, isa dito ang pag tratrade sa stocks. Para umunlad tayo pinansyal sa pamamagitan ng stocks, kailangan natin ang patuloy na pag aaral nito. Aside sa pag babasa ng blog na ito, aking rin ne rerekomenda ang iba't ibang libro patungkol sa technical analysis katulad ng aklat ng Steve Nison na pinamagatang Japanese Candlestick Charting Technique at iba pang aklat patungkol sa Technical Analysis o Chart Analysis katulad ng Technical Analysis of the Financial Markets ni John Murphy. Itong mga libro na ito ay aking rin kasulukuyang binabasa at nagiging material ko sa pag susulat ng blog na ito. Ito'y libreng makukuha sa mga Facebook Pages katulad ng Philippine Investors Group(PIG) ni Mike Lim at Philippine Elite Stock Traders (PEST). Kung hindi kayo makasali sa mga grupo na ito, pwede nyo ako i-pm sa facebook account(Tyrone John/ neo_maxpayne@yahoo.com) o sendan nyo ako ng email (tyronejohn.gotera@gmail.com).
Ngayon ipagpatuloy natin ang talakayan sa Japanese Candlesticks sa pag sisimula sa Dark Cloud Cover. Heto ay exactong kasalungat ng Piercing Signal na ating natalakay sa nakaraang artikulo. Itong candlestick formation na ito ay binubuo ng dalawang candlesticks kung saan ang unang candlestick ay isang Bullish Candle at ang sumunod naman ay isang Bearish Candle na nag bukas ng presyo na higit na mas mataas kaysa sa naunang candlestick ngunit ang presyo nito ay bumaba na umabot sa kalahati ng katawan ng nakaraang candlestick at nagsara ito malapit sa lowest price ng araw iyon. Mas malakas ang pangitain nito na may nakaambang pag bulosok ng presyo ng stock kung ay ang Bullish Candle ay mas mataas kaysa sa mga naunang candlesticks at ang volume ay mataas sa isa sa mga candlestick sa naturang formation.
Exhibit 1: Ang ideal na itsura ng Dark Cloud Cover
Example ng Dark Cloud Cover na makikita Ayala Corporation (AC) na binubuo ng Bullish Candlestick noong Sept. 13 at Bearish Candlestick noong Sept 14. Mapapansin ang pagtaas ng volume sa araw ng Sept.13 na nag bibigay kompirmasyon na may nakaambang panganib sa sumunod na dalawang buwan.
Example ng Dark Cloud Cover na makikita Ayala Corporation (AC) na binubuo ng Bullish Candlestick noong Sept. 13 at Bearish Candlestick noong Sept 14. Mapapansin ang pagtaas ng volume sa araw ng Sept.13 na nag bibigay kompirmasyon na may nakaambang panganib sa sumunod na dalawang buwan.
Ang mga susunod na formations na ating tatalakayin ay binubuo ng dalawang candlesticks para mag bigay ito ng senyales ng pagbaba o pagtaas ng stock price na syang tinatawag na Bearish at Bullish Haramis. Ang salitang Harami sa Hapon ay ibig sabihin ay "buntis" dahil sa formation na ito ay binubuo ito ng isang malaking candlestick na sinundan ng maliit. Kaya kung ito'y titignan ng maigi (tignan ang exhibit 2) ay para itong mahahalintulad sa isang nag dadalang tao. May dalawang klaseng Harami: Ang Bearish Harami at Ang Bullish Harami.
Una natin tatalakayin ang Bearish Harami.
Ang Bearish Harami ay nag papakita kapag patuloy sa pag akyat ang stock price. Ito ay binubuo ng malaking Bullish Candlestick at sinundan naman ito ng maliit na Bearish Candlestick. Mas malakas ang senyales na malapit na magsimula bumulosok ang stock price kapag mas mahaba ang Bullish Candlestick dahil nag papakita ito overexcitement ng mga bumili stock at bigla na lang ito nawalan ng gana kaya ang sumunod na araw ay maliit na bearish candle. Tandaan na ang pag taas at pag baba ng presyo ng stock ay dinidekta ng Law of Supply and Demand kaya ang Bearish Harami ay nagpapakita lang ng pagbagsak ng demand kaya ito'y maituturong malakas na senyales ng nalalapit na pagbasak ng presyo at dapat ito aksyonan kung ang susunod na candlestick pagkatapos ng maliit na Bearish Candlestick ay isa pang Bearish Candlestick na na nag kokompirma na nag reverse na ang direksyon ng stock. Isa pa sa nag papatibay na isa itong reversal signal ay kung mataas ang volume sa kahit ISA sa candlestick sa naturang formation at ang opening price ng Bearish Candle ay mas baba o kaparehas sa closing price ng Bullish Candle.
Exhibit 2 : Ang ideal na itsura ng isang Bearish Harami
Example ng Bearish Harami na makikita sa stock ng Aboitiz Equity Ventures (AEV) na binubuo ng Bullish Candle noong May 4,2012 at ng at ng Bearish Candle noong sumunod na pag bubukas ng stock market noong May 7,2012. Pansin din dito na pag katapos ng maliit na Bearish Candlestick ay ang pag papakita ng Hanging Man at dalawa pang Bearish Candlesticks na nag kompirma sa negatibong signal nito.
Example ng Bearish Harami na makikita sa stock ng Aboitiz Equity Ventures (AEV) na binubuo ng Bullish Candle noong May 4,2012 at ng at ng Bearish Candle noong sumunod na pag bubukas ng stock market noong May 7,2012. Pansin din dito na pag katapos ng maliit na Bearish Candlestick ay ang pag papakita ng Hanging Man at dalawa pang Bearish Candlesticks na nag kompirma sa negatibong signal nito.
Ang Bullish Harami naman ay kabaligtaran naman ng Bearish Harami. Ang tanging pinagkaiba lang ay ito ay nagpapakita kapag ang stock price ay patuloy sa pag bulosok. Ito ay binubuo ng malaking Bearish Candlestick at sinundan naman ito ng mas maliit na Bullish Candlestick. Kung mas mahaba ang Bearish Candlestick ito ay mas lalong mainam dahil mas malakas ang posibiladad na muling aakyat ulit ang stock price at mas lalo rin mainam kung ang closing price ng Bullish Candlestick ay mas mataas kaysa sa naunang candlestick.
Exhibit 3 : Ang ideal na itsura ng isang Bullish Harami
Example ng Bullish Harami na matatagpuan sa stock ng Alliance Global Inc. (AGI) kung saan ito'y binubuo ng Bearish Candlestick noong Disyembre 12,2013 at ng Bullish Candlestick noong Disyembre 13,2013 na nagbigay ng positibong senyales ng tatlong araw na pag taas ng presyo ng naturang stock.
Example ng Bullish Harami na matatagpuan sa stock ng Alliance Global Inc. (AGI) kung saan ito'y binubuo ng Bearish Candlestick noong Disyembre 12,2013 at ng Bullish Candlestick noong Disyembre 13,2013 na nagbigay ng positibong senyales ng tatlong araw na pag taas ng presyo ng naturang stock.
Kung ang dalawang uring Haramis naman na ating natalakay ay binubuo ng dalawang candlestick para ito magbigay ng senyales, ang susunod na mga formations naman ay binubuo ng tatlong candlesticks na tinatawag na Morning at Evening Stars.
Ang mga hapon ay naniniwala sa swerteng hatid ng planetang Mercury na syang tinatawag ding Morning Star. Sa stock market ay meron din Morning Star na nag bibigay ng mabuting senyales na muling aakyat ang presyo ng isang stock. Para ma interpret ng tama ang senyales na ito, ang takbo dapat ng stock price ay kasalukuyang bumubulosok. Ang formation na ito ay binubuo ng tatlong candlesticks. Sa unang candlestick ng formation ay dapat mag pakita ito ng isang malaking bearish candle na sinusundan naman ng isang Doji, Hammer o Inverted Hammer (mga candlestick nag papakita ng pangamba sa lakas ng mga Uso) depende sa sitwasyon ng mercado at ang kasunod nito ay isang mahabang bullish candle na ang haba nito ay atleast pumantay sa kalahati ng haba ng naunang bearish candlestick. Para maging kompirmadong reversal signal ito, ang unang bearish candlestick ng formation na ito ay dapat ang pinakamahaba komapara sa mga nagdaang bearish candlesticks habang bumubulosk ang presyo ng stock. Isa pang kompirmasyon na safe na bumili ng stock ay dapat malaki ang real body ng pangatlong bullish candlestick ng nasabing formation. Dapat din mataas ang volume ng gitnang candlestick na syang nag papakita ng pag lipat ng pwersa mula sa mga uso papunta sa mga turo upang itaas ang presyo ng stock na kadalasan ito ay Doji, Hammer o Inverted Hammer.
Exhibit 4: Ideal na formation ng Morning Star
Example ng Morning Star Example na makikita sa BPI Stock noong Hunyo 13, 14 at 17,2013 na naging senyales sa dalawang araw na pagakyat ng presyo ng nasabing stock. Pansin din dito ang pag taas ng volume sa araw ng Hunyo 14 na nag pakita ng Inverted Hammer.
Ang planetang Venus ay pinaniniwalaan ng mga Hpon na kapag ito'y nag pakita sa gabi ay nag dadala naman ito ng senyales ng kamalasan o paparating na trahedya at ito'y tinatawag din nlang "Evening Star". Sa stock market, kapag ito'y nag pakita ay senyales ito ng nakaambang pagbulosok ng presyo. Heto'y halos exactong kasalungat ng Morning Star na binubuo rin ng tatlong candlesticks ngunit ito ay nagpapakita habang patuloy sa pag akyat ang presyo ng isang stock. Sa unang candlestick ng formation na ito ay makikita ang isang mahabang bullish candlestick, gaya ng morning star ang gitnang candlestick ay dapat nag papakita ng pangamba sa pagpapakita ng isang Doji, Hanging Man at Shooting Star. Ang pangatlong araw naman ay isang mahabang bearish candlestick na kapantay atleast kalahati ng naunang candlestick. Para mas maging epektibo ang interpretasyon ng formation na ito, ang unang bullish candlestick sa formation ay dapat ang pinakamahabang bullish candlestick kaysa sa mga naunang katulad nito habang umaakyat ang presyo ng stock na nangangahulugan na masyado ng sobra ang demand sa naturang stock na iyong sinusubaybayan. Katulad ng Morning Star ang gitnang candlestick na nag papakita ng pangamba sa lakas ng mga toro at may mataas na volume.
Exhibit 5: Ideal na itsura ng Evening Star Formation
Example ng Evening Star Formation na makikita sa Stock ng Cebu Pacific. Kahit ang mga naunang candlesticks bago mag Bullish Candlestick sa formation na ito ay binubuo ng mga Dojis, hindi nangangahulugan na walang bisa ng signal na ito. Nasa tama pa ring kontexto ang negatibong interpretasyon nito na katunayan na ito'y nag pakita pagkatapos umakyat ang stock price nito noong unang nag daang lingo ng Mayo 2013.
Dito nag tatapos ang ikatlong yugto ng Japanese Candlesticks Series. Sa susunod na artikulo ay papakita ko naman ang mga epektibong stratehiya para magamit ang mga ito sa inyong pangangalakal sa stock market.